Meron po ako hyundai sonata model 97 na dating automatic transmission. nagka problema sa transmission, dahil sa mahal ng repair dito pinapalitan ko ng manual transmission.
After 3 months mahirap na magshift ng gear, hanggang sa tuluyan ng ayaw mag shift. dinala namin sa repair shop at binuksan un sa cover sa clutch disk at nakita nga na bumigay yun clutch disk, nabasag un cover ng maliliit na spring sa clutch disk. ang ginawa sa shop eh pinalitan ng bago clutch disk pero replacement lang.
After 2 months ganun uli ang nangyari, mahirap mag shift ng gear. hanggang sa ayaw na uli mag shift. Pinalitan uli ng clutch disk pero ngaun original na from hyundai.
Sa ngayun pakiramdam ko babalik uli yun problema kasi parang nagsasabit uli pag nag shishift ng gear. pero pag dahan-dahan naman yung shifting ng gear. hindi naman sumasabit.
Ganyan din ang nangyari nun before masira yung clutch disk. ano po kaya talaga ang may problema? un clutch disk o yun sa transmission or gears na mismo?