New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    44
    #1
    gandang araw po mga sir!

    i have a 2000 model civic with a B16A engine.
    the problem is when i shift from 2nd gear to third gear, a grinding noise can be heard. its also very hard to engage 3rd gear.

    ang nakapagtataka po, pag cold yung engine ko, or kagagaling po ako sa house, ala po problema,at ala po difficulty in engaging the 3rd gear. pro pag medyp uminit na po yung temp ko (almost half ng guage) dun napo nagkakaproblema.

    isa pa po, kahit mainit na engine ko, pro pag mabagal takbo ng oto ko, pumapasok naman po ng maayos yung 3rd gear.

    sinubukan ko na pong mag double clutch, ang i make sure na naka sagad yung clutch during shifting gears pro ganun po prob niya. ano po kaya reason dito? ano po kaya magandang gawin?

    thanks po sa mga inputs niyo!

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #2
    kailan ka ba nagpalit ng Gear Oil ng transmission mo baka sobra na tagal nito at kailangan ng palitan . Lalo nitong mga huling buwan pag madalas mong nilusong ito sa baha baka nahaluan ng tubig. Check mo muna ito.

  3. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    44
    #3
    Quote Originally Posted by speed unlimited View Post
    kailan ka ba nagpalit ng Gear Oil ng transmission mo baka sobra na tagal nito at kailangan ng palitan . Lalo nitong mga huling buwan pag madalas mong nilusong ito sa baha baka nahaluan ng tubig. Check mo muna ito.

    baguio po location ko kaya di po kami binabaha.
    pro possible po ba yun, kasi okay naman po pag sa ibang gears. pag gear oil po,di po ba dapat lahat ng gears? Thanks po ulit sir!

  4. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #4
    Quote Originally Posted by jemils_t View Post
    baguio po location ko kaya di po kami binabaha.
    pro possible po ba yun, kasi okay naman po pag sa ibang gears. pag gear oil po,di po ba dapat lahat ng gears? Thanks po ulit sir!
    correct. tantyahin mo ang speed mo kung saan smooth ang shifting ng 3rd gear. try mo around 40kph ka mag change to 3rd gear.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #5
    Quote Originally Posted by jemils_t View Post
    baguio po location ko kaya di po kami binabaha.
    pro possible po ba yun, kasi okay naman po pag sa ibang gears. pag gear oil po,di po ba dapat lahat ng gears? Thanks po ulit sir!
    Alam mo kasama sa maintanance ng sasakyan ang pagpapalit ng gear oil para tumagal ang buhay ng transmission mo at mura lang naman ito para maging smooth ang pagpalit mo ng gear at hindi maganit . Pag ganoon pa rin patignan mo na sa mekaniko na expert sa transmission.

  6. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    44
    #6
    Thanks so much sa mga reply mga sir!
    punta ko po sa shop next week and i'll give updates para narin po makatulong sa mga my similar problems.

  7. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    44
    #7
    update lang po mga sir....
    nagpapalit na po ako ng transmission gear oil, and meron pa rin pong grinding noise sa 3rd gear. sabi po nung mekaniko, synchro na daw po un.sakit daw po kasi talaga ng B16 engines ang ganun.
    about naman po sa price ng synchro, 7K daw po including the 3rd & 4th gear (or 3rd gear lang?). so for now, hanap lang po muna ako ng synchro lang, maka mura man lang ng konti. and sa labor naman po, 2,500 daw singil.

grinding noise in 3rd gear