hi! guys tanong ko lang po, ano kaya problema ng transmission ko?
1. sobrang delayed ung shifting.. umaabot sya ng 3 sa unang shift, parang hirap na hirap. minsan ok naman ung shifting, minsan ganun nga hirap na hirap.
2. malakas ung jerk, minsan wala naman..
pero ok pa naman ung drive and reverse ko nabasa ko kasi dito na pag weak na daw ang reverse kailangan na palitan ung transmission.. ung shifting lang tlga at pa minsan minsan na jerk ang problema..
napalitan ko na sya ng atf.. pero gnun parin problema.. kailangan ko na ba syang palitan ng transmission? magkano kaya ang surplus ng galant 96? baka may recommended shop kayo..
saka kailangan ko narin ipa general overhaul ung oto ko.. kasi nag uubos na sya ng langis at lagi palyado.. ginagawa ko nalang, palit ako ng palit ng sparkplug, ung 2nd hand nalang na galing sa mga gasoline stations para tipid.. wala pa kasi akong pang overhaul. napalitan na to ng valve seal eh, kaso pagkalipas ng almost 2 months, pumalya ulit.
magkano kaya aabutin ang overhauling? napa top overhaul ko na sya before, general overhaul na daw eto eh.. tama ba? mga magkano kaya un?
grabe ang dami ko tlgang gagastusin.. malas pa, nabangga pa likod ko kanina. yupi ung upper part ng compartment. tumama ako sa paso na mataas nung magpa-park ako.. kaasar! d ko napansin. magkano rin kaya aabutin nun?
malas tlga.. nagkasabay sabay na.. kaya ayoko narin ibenta eh, baka ipagawa ko nalang sya.. pero sana ung sa maganda na tlga para sulit naman gagastusin ko. sana mabigyan nyo ko ng tips.. thanks!