Here is the attached message from The picanto-ph yahoo group by p_dino_c.

[SIZE="2"]Pare, yun picanto ko may problema. May problema yun clutch system ng
auto ko. Ang tigas ng clutch pedal and in effect mahirap mag shift.
47,000++ kms and Dec '04 eto nakuha. Ngyon, sira na yun clutch ko.Di
ko na magamit yun auto. Parang may naputol sa loob ng clutch system.
Buo pa daw yun clutch cable, take note. So, sa loob ng engine ang
may sira. Pina-claim ko sa warranty, pero di daw na approve ng
Columbian Motors. Ang reason nila ay ang clutch daw ay "consumable".
Tinanong ako ng taga planta and ng dealership kung clutch driver daw
ako. Hinde po! Ang kinaaasar ko ay yun hinde pag approve sa warranty
claim ko. Ang clutch, napupuodpod. Pag nakaramdam ka ng drag, pwede
mo pa-adjust para bumalik sa normal. Yun sa akin, ni-isang beses di
ko pina-adjust. Pag pudpod na ang clutch, di naman titigas ang
pedal, dba? Also, ang clutch may 'service life'. Roughly around
70,000++ kms bago mo palitan ang clutch. Eh pare, yun sa akin, wala
pang 48,000kms, nasira agad. Ibig sabihin, manufacturer's defect yun
clutch ko.

Eto pa pala, nagfa-follow up ako sa planta nila para ma-approve yun
claim ko dati (yun sa clutch). Sa sobrang asar ko dahil sa bagal ng
ation nila, hinanap ko ang Customer Relations Office/ Officer nila.
Aba wala!!! Cost cutting daw. Toyota, Honda meron ganyan. Kia, wala.
Pano kaya ma-measure ng Kia ang customer satisfaction rating nila?
The "Power to Surprise". Tama nga ang slogan nila.

Regarding sa dealership na kung saan dinala ko yun kotse. Since di
na approve yun claim ko, nag pa quote ako ng gagastusin.... roughly
10k ang damage. Eto pa....naka-indicate pa sa job estimate yun
Clutch Cable. Di na nila i-claim sa warranty. Mr. Dealership, ang
clutch cable, di po consumable. The Power to Surpise!
[/SIZE]