[SIZE=2]Hello may problem kasi yung 2003 model civic ko ngayon. kanina lang nagsimula yung problem pag from neutral to D pag di ko inantay ng mga 2-3secs nagkakaron ng *toog* sound siya pag tapak ko sa gas kahit hinayhinay lang kasi sa traffic naman yun. tapos nung nakalabas nako sa traffic ang sama ng shifting nung tranny ko sobrang ramdam ung paglipat niya ng gear tapos minsan di agad siya lumilipat parang humihina ung hatak then pagshift tska magkakahatak yung car. then my isang time naman bigla tumaas yung RPM ko ng mga 5k RPM pero hindi ko naman tinatapakan ng todo ung gas nasa 50km/h ata takbo ko nun. parang pakiramdam ko bigla siya nagpunta ng 1st gear from 3rd gear pero di naman ako tumatapak sa gas ng malalim steady lang. tapos basta sobrang ibang ibang shifting niya ngayon erratic na. Last night naman sobrang ok pa yung car walang kaproblem problem. nagtataka lang ako kasi biglaan eh. kakapalit lang ng ATF nun last month and gumanda pa yung perfomance pag palit ng ATF so hindi siguro ATF ang problem at reddish pa color niya ngayon. Ano po kaya ang problem niya? and saan kaya ok pacheck siya? sana hindi sa casa kasi ang tagal pag sa casa eh and mahal din hehe. natatakot ako baka sira na tranny pero parang imposible kasi 38k palang natakbo at tipid naman sa gas nakaka 11km/ltr pako eh average consumption ng civic es pag matic is 9km/ltr. wala naman kasi siya symptoms before na may problem yung tranny super smooth shifting naman siya before. kanina umaga lang talaga bigla bigla nagkaganto.
[/SIZE]



Reply With Quote


