Mga sir ganito po ang history nito.

Last year pinagawa ko leaks ng kotse ko, binaba nila trnsmission kasi po yung sa may makina ang pinalitan ng oil seal. After po nun na notice ko na after driving then nag break ako ayaw umandar sa D4 or D3, sa D2 naman umaandar sya. So ang ginawa ko nilagay ko muna sa D2 then pag umusad na balik sa D4, pumapasok naman na pag ganon. Ibinalik ko ngayon sa gumawa ng leaks ko at tinanong kung bakit ganon, sabi nya baka kulang or sobra ATF. So ginawa ko nagpalit na lang ako ng buong ATF, ganun pa rin po ang problema. Almost a year pong ganun na lang ang ginawa ko na D2 1st then lipat sa D4.

Then this month nag long drive ako from pangasinan to manila. Ok naman takbo ko papunta pero na notice to na pag nag park ako sa incline ayaw na rin kumagat sa D2, kailangan ang bombahin ng matagal ang gas para kumagat. So i was on my way back to pangasinan at dumaan muna ako sa pinsan ko sa tarlac, i stayed there a few hours and when i decided to go pag shift ko sa D2 ayaw na kumagat, kahit bombahin ko pa ng matagal ang gas. Sa reverse ok naman sya no problem pero lahat ng shift pa forward ay wala na.

No choice kundi pa hila ko kotse ko all the way from tarlac to pangasinan. Ngayon po pati reverse nawala na

Pa help naman po kung ano magandang gawin para maayos tong kotse, balak ko kasi na ipaayos then benta na lang para pandagdag pambili ng Manual transmission car.

Salamat po sa sasagot.