Daddy: Anong gusto nyong maging paglaki nyo?
JJ1: Ako, doctor!
JJ2: Ako, papalitan ko si Daddy sa office.
Daddy: Talaga, gusto mo din magwork sa office?
JJ2: Oo, pero di ba wala naman ginagawa doon? Nakaupo ka lang!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

JJ1: Daddy, tingnan mo ang tataas ng mga grades ko!
Daddy: JJ2, ikaw patingin mga grades mo… Bakit may isang red?
JJ2: Ano ba yong red?
Daddy: Ibig sabihin bagsak yon!
JJ2: Ahhhh.. Daddy, tingnan mo, ang daming black! Ang galing ko, no?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Walang pasok since Tuesday last week.
Kagabi (Sunday), biglang umulan ng malakas.
JJ2: Yehey, walang pasok bukas!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -