Quote Originally Posted by skyglider View Post
makisali na din ako ha. wala kasing magawa dito sa work eh at mukhang maganda din ang thread nato.

pwede na rin bang mag request nung mga mp3 mo sir ooba99, base sa mga feedback eh mukhang maganda talaga. ako kasi gusto ng music pero ayaw sa akin ng music kaya ok na sa akin ang makinig na lang.

yung sa piano rendition mo mukhang maganda din kaya lang di yata ok ang naging resulta with your gf. baka meron ka rin natatabing mp3 pa, kundi naman kalabisan. one of the peborits kasi ni wifey yung broken vow.

i'll pm you my email add kung approve mo. tia!
Sir, welcome po sa thread. Wala pong problema kung gusto nyong i-PM ang email address nyo po. Pero nagsimula lang ito sa biruan at baka matapos din sa biruan. Tutuo pong may mp3 ako at maipapadala ko sa iyo kung ire-request nyo, subali't ang masasabi ko lang wala pong sisihan, ha? hehehe. Tandaan po ninyo ang title ng thread na ito ay "Incognito", hahaha.

Sir, tanong ko lang po, bakit naman "Broken Vow" ang peborits ni ma'am ninyo? Siguro ikaw ang madalas mag-commit ng title ng song na to, noh? hehe, joke lang po.