New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
Results 31 to 35 of 35
  1. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    1,722
    #31
    nung bago pa lang ang basement parking namin sa work di pa gaano maayos. pag umulan, nagtutubig din doon. so one time pagbaba ko mga 10-20 km yata takbo ko tuwang-tuwa ako parang bata kasi nag-squeal yung tires. so nung paliko di pa rin ako gaanong nag-menor kasi nga feel na feel ko yung tunog ng gulong. aba, naramdaman ko na lang nagi-slide, with matching squeal pa rin. ayun, derecho sa poste. dun ko unang naramdaman yung wala kang control sa sasakyan mo. ang nagawa ko na lang ay mag-preno pero tuloy-tuloy pa rin sa haligi ng building. kaya ako ang unang casualty sa parking namin na yun. kakahiya pa kasi andun mga utility staff nag-wawalis nung tubig. :-(
    Last edited by gearhead000; March 14th, 2013 at 01:08 PM.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #32
    matagal na nang yare eto.. mom ko yung driver ako passenger... paakyat ng ramon magsaysay bridge.. traffic... biglang umatras yung sasakyan sigaw kami ng sigaw hinihintay namin kung babanga na kami sa likod... ayun pala lahat ng sasakyan umabante... kami pala yung nakahinto... hehehehe...

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,870
    #33
    A few years ago, pinalitan ko ang lumang alarn ng isang car namin. Nagkataon namang ginamit ni misis para isama
    ang mga bata sa mall. Nung uwian na, tumawag sa akin, sunduin ko raw sila at dalhin ko raw yung extra key nung
    sasakyan na dala nila. Taka naman ako, but then sinundo ko nga. Pagdating sa parkingan, nakita ko nga sila na nasa
    labas ng car

    Ang kuwento: pagkatapos magshopping, went to the car, saksak the key, bukas the stereo. Then, went out, closed the
    door, punta sa likod, lagay the groceries at the back, closed the trunk. Ang problema, nag auto lock lahat ng doors.
    So, hindi nga sila maka- pasok. Di ko rin alam na may function palang ganun 'yung car alarm na 'yon.
    Kaya tuloy lagi kong ibinibilin na always bring the 2 keys. Problema naman, baka ilagay sa bag at iwan din sa loob
    ng kotse. Talaga naman... the best solution yata eh... NEVER LET A WOMAN HANDLE A CAR...

  4. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    308
    #34
    na experience ko dati pag baba ko sa crv ko pasok sa opis tapos pag labas ko nakita ko yung crv madami ng gasgas nagulat ako yun pala katabi pala nun yung crv ko. hirap talaga ng madami kapareho pati tint kasi pareho kaya na wow mali ako.

  5. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,689
    #35
    Wala pa ako anak nun sa ibang bansa pa kami nakatira safe kse sa Guam kaya kung may bibilhen ng mabilisan (drinks) sa store iwan keys sa auto naka on pa , minsan pagsakay ko nagulat ako baket me bata sa likod naka carseat tas ibang babae sa front passenger hahaha potek na yan ibang sasakyan pala pinasok ko
    Toyota Scion ung ride parang hotcake sa guam nun circa mid 2000s lahat ata ng filipino dun me ganun


    Sent from my iPhone5 using Tapatalk

Page 4 of 4 FirstFirst 1234

Tags for this Thread

Bloopers in Driving