reverse parking dun sa skul ng mga anak ko and first time ko magsundo sa kanila. magpapark ako sa tabi ng poste ng meralco. yung malaking poste lang nakita ko, e kaya pala walang naka-park dun sa slot na yun may maliit na poste sa gitna. at side mirror lang ako tumingin hindi sa rear view mirror. ayun sapul yung poste na maliit pag reverse ko. ang nakakainis pag baba ko ng car after nakahanap ako ng ibang slot, e yung isang mommy sabi sa akin "bagong kotse?"

sa manaoag naman nag-park ako dun sa resto na suki namin. may katabi akong GS na same ang color ng GS namin. pag balik namin galing magsimba pinipilit buksan yung GS ko, nagkakamot na ng ulo yung driver saka mga kasama nya. pag pindot nya ng FOB nya may na-beep naman, pero ayaw bumukas yung pinto. kinalabit ko siya, "pare akin yan. ayun sa iyo sa kabila." saka lang nila napansin na ibang van yung pilit nila binubuksan.