Good day po, Tatanong ko lang po kung anu po ba yung mga rules at limits ng pag iinspect ng guards sa mga sasakyan. If you were driving an AUV is it necessary na dapat nila buksan yung pintuan sa may 2nd row seats? Pati kung kailangan ba buksan yun pinto sa likod kahit makikita naman yung loob?
Kasi po sa school namin na-iirita ako sa mga guards pag binubuksan pa nila yung pintuan sa 2nd row. Tinted po yung sasakyan pero hindi sya super dark, makikita mo naman yung laman sa loob. Umaga naman ang pasok ko at tanghali, at kitang kita naman kaya nagtataka po ako, tnx
isipin mo na lang na para rin sa protection niyo anggingawa ng mga guard, baka pag meron naman masamang manyari sisihin din sila at sabihin na wala man lang ginagawang inspection or masyadong maluwag ang ginagawang inspection kaya nalusutan. at inutusan din lang sila na gawin yun at sumusunod lang sila sa nakakataas, kung sa tingin mo meron silang maling ginawa doon ka sa nagutos magreklamo sa dean ,principal , registral or presidente nyo.
Ako din before napaka-particular sa mga methods nila. But if you consider the kind of work that they're doing (inspecting maybe hundreds of cars in a busy day), they tend to develop a pattern for routine jobs. So whether it's a sedan or an AUV, they may feel it prudent to check the rear seats.
Where security is concerned, it will always require sacrifice from everyone. Pag-tyagaan mo na lang sila. For your mutual security din naman.
Okay lang sa akin ang icheck ng guards yung car before entering an establishment (e.g. mall). Basta't consistent sila.
Nakakainis kung hindi consistent. Madalas sa Market Market -- may mag mamatigas ulo't hindi bubuksan ang trunk -- palulusitin na lang nila. Pag sinita mo yung guard, kakamot lang ng ulo't sasabihin -- ayaw niya eh.
kung ako, ok lang na buksan nila lahat ng pinto or bintana pero huwag sila maghahalungkat or magpapasok ng parte ng katawan sa loob ng sasakyan. kahit airport security or pulis nakikiusap lang na ipabukas ang glove compartment, so i guess yun talaga luimitations nila. IMO