New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    118
    #1
    Last night nasagi ang right side mirror ko ng isang van na nagpupumilit sumiksik sa linya namin. nasa lane siya ng E-Tap tapos sisiksik sa lane namin sa Cash. umuulan pa naman nun, dapat bawal na swerving sa yellow solid lines ah? buti na lang hindi nagasgasan side mirror ko, lintik na driver yun. May enforcer pa naman nun time na yun and wala tunganga lang. hindi ko na binaba at naka uniform nako papasok ng work at naulan pa. kung sino ka man na driver ka, matuto kang pumila ng tama sa linya. magsusumiksik ka sumasagi ka na sa may RIGHT of WAY.

  2. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    1,670
    #2
    Parang malabo yung toll management sa NLEX
    matino naman sa skyway and SLEX (Basta hindi holiday na puro hindi marunong)

  3. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,784
    #3
    Yes sa SLEX pag pumila sa Epass ang non Epass binibigyan talaga ng ticket.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #4
    Quote Originally Posted by jcRN View Post
    Last night nasagi ang right side mirror ko ng isang van na nagpupumilit sumiksik sa linya namin. nasa lane siya ng E-Tap tapos sisiksik sa lane namin sa Cash. umuulan pa naman nun, dapat bawal na swerving sa yellow solid lines ah? buti na lang hindi nagasgasan side mirror ko, lintik na driver yun. May enforcer pa naman nun time na yun and wala tunganga lang. hindi ko na binaba at naka uniform nako papasok ng work at naulan pa. kung sino ka man na driver ka, matuto kang pumila ng tama sa linya. magsusumiksik ka sumasagi ka na sa may RIGHT of WAY.
    pinapalipat ng mga guard yan kasi wala silang mga e-tap. either andon sila sa walang bilihan or walang pambili. sa SLEX ata hinihuli pag pumila ka sa epass tapos wala ka naman epass.

  5. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #5
    ang mga nagbabantay naman sa toll ay interesado lang na mag colect ng pera, ung ayusin ang traffic hindi talaga nila gagawin except kung natatagalan ka sa pagbabayad.

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    153
    #6
    The best talaga ay "never insist on your right of way", matuto na lang magbigay daan, di naman mababawasan pagkatao natin. Pag nagmatigas tayo tulad ng kwento mo, pwedeng mabawasan pa ng pintura kotse mo.

  7. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #7
    What i don't get with other drivers is hindi ba nila alam na may lane na dedicated for ectag / easytrip pero nagpupumilit dun lilinya

    then bigla sisingit dun sa cash lane. Hindi ko alam kung ignorante ba o magulang lang talaga dahil ayaw pumila.

    what annoys me is ang haba ng pila, then may gunggong na walang load yun ectag na papasok sa ectag lane only tapos

    yun mga gwardiya naman is pasisingitin dun sa harapan. Sarap pagbuksan ng bintana at palakpakan.

  8. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #8
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    What i don't get with other drivers is hindi ba nila alam na may lane na dedicated for ectag / easytrip pero nagpupumilit dun lilinya

    then bigla sisingit dun sa cash lane. Hindi ko alam kung ignorante ba o magulang lang talaga dahil ayaw pumila.

    what annoys me is ang haba ng pila, then may gunggong na walang load yun ectag na papasok sa ectag lane only tapos

    yun mga gwardiya naman is pasisingitin dun sa harapan. Sarap pagbuksan ng bintana at palakpakan.
    E-Tap pala sinasabi ni TS, so sa coastall road / CAVITEX yan... maluwag nga dyan, unlike sa SLEX pag pumila ka sa E-pass tapos wala ka E-pass, huli ka, obstruction.

  9. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #9
    Sa CAVITEX ito.. marami talagang pasaway na driver dyan pipila sa ETAP para makasingit sa cash... di ba ugaling pang lalamang sa kapwa yan... yan ang PINOY... sabi ni TS nag susumiksik so i assume pinilit nung driver na sumingit... ikaw ang mali ang pinilihan ikaw pa magmamadali eh di maghintay ka na may mag give way sayo hindi yon ipipilit mo... ang problema din is discipline at enforcement... ok sige pag bigyan mo sumingit pero dapat tiketan yan driver kasi kung hindi pano yan matututo...

    nag susumigaw na ng DISIPLINA ang mga natitirang pinoy na naniniwala na may pag asa pa ang pilipinas.. sabi nga hayok na hayok na tayo sa disiplina pero yung mga kumag eh tengang kawali lang

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #10
    Quote Originally Posted by stickers View Post
    E-Tap pala sinasabi ni TS, so sa coastall road / CAVITEX yan... maluwag nga dyan, unlike sa SLEX pag pumila ka sa E-pass tapos wala ka E-pass, huli ka, obstruction.
    Whoops sorry naman hehe

    Still sa NLEX maluwag. walang huli pag ganyan. Minsan 5 kotse kelangan umatras dahil meron nasa harapan walang load / walang ectag

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Toll Gate Management should tighten their traffic rules