New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    324
    #1
    I'm planning to buy this imported car, sabi ng may-ari may tax excemption daw pero kung itatransfer ko sa pangalan ko kailangan kong bayaran yong tax. Paano ba kina-calculate kung magkano ang dapat kong ibayad na tax. Base ba to sa current price ng nasabing car or is it base sa price noong inimport ito?Anong percentage ito normally ng price ng car. Thanks.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    727
    #2
    taga ADB ba ang ang owner? may green paper yan galing dun sa custom, nakalagay dun magkano ang assessed duties niyan, yan ang babayaran mongtaxes, which is based on the price of the vehicle nang iimport yan diyan sa atin.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,410
    #3
    at di pa kasama dun sa babayaran mo na tax yung "for da boys". magbayad ka man ng tax o hindi, maglalagay ka pa din at paiikutin ka nila para magpapirma ng sangkatutak na papeles bago nila i-release sa iyo ang car na binili mo. kung wala ka din lang kakilala sa customs, imho, it's not worth the trouble.

    mamya yan gimikan ka pa, ang i-release sa iyo fake documents tapos bigla ka na lang i-raid sa bahay nyo at kasuhan ka ng smuggling. pag nasa loob ka na ng kulungan kahit may abogado de kampanilya ka pa mahuthutan ka pa din nila. confiscated pa yung car na nabili mo.

    yung isang friend ko nagi-import sya dati. bayad lahat ng duties sa customs pero may pumupunta pa din sa bahay nya nanghihingi ng "for da boys". iba pa yun dun sa binibigay nya sa customs para panglakad ng signatures ha. pag di daw siya magbigay e alam na nya mangyayari sa kanya, hulidap! nagpayaman lang ng konti tapos tinigil na nya, sakit sa ulo e.

  4. Join Date
    May 2004
    Posts
    324
    #4
    pare ano yong ADB? nakalagay ba dun ang exact na amount ng tax na babayaran. Kung matagal na palang naimport at luma na yong unit eh it's not worth it.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    727
    #5
    Asian Development Bank. Sila kasi ang entitled magpasok ng tax free, vehicles aside from foreign diplomats and other tax exempt entities sa atin. Yung green paper na sinasabi ko, yun yung tax exemption document stating the landed value of the vehicle, tapos andun na din yung supposed to be tax and duties due dun sa vehicle. Ibinibigay ito sa LTO upon registration, baka naman may kopya pa yung seller. Hindi talaga maililipat sa name mo yung vehicle na bibilhin mo, unless bayaran mo yung tax due, tignan mo dun sa OR at CR ng vehicle nakalagay lagi yan .

tax for imported cars, how does it work