New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    ANIM sa 10 Filipino na kumukuha ng driver's license ang bumabagsak sa ipinatutupad na written examination ng Land Transportation Office.

    Pinakahuling bagsak sa eksaminasyon ay isang kongresista at isang opisyal ng Bureau of Customs.

    Sa record ng LTO Northern Office, 70 porsiyento ng mga Pinoy na kumuha ng ng naturang pagsusulit ay bumabagsak sa hindi malamang dahilan.

    Ito ay sa kabila ng pagiging universal o madali naman ang mga tanong sa naturang pagsusulit. Bukod dito, pinapapili ang mga examinee kung Tagalog o Ingles ang nais nilang pagsusulit.

    Sentido kumon lamang naman aniya ang kailangan ng aplikante para madaling masagutan ang mga tanong na karamihan pa ay tungkol lamang umano sa mga traffic signs sa lansangan.

    Batay na rin sa ilang report, kabilang sa mga bumabagsak sa exams ay hindi lamang mga ordinaryong driver, kundi matataas na opisyal ng gobyerno, customs, personnel, doktor, engineers, abogado at iba pa.

    Kapag bumagsak, kailangang maghintay ng panibagong 30 araw ang aplikante para muling makapag-exam.

    Dahil dito, pinapayuhan ng LTO ang mga interesadong kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho na mag-aral muna o mag-review bago kumuha ng eksaminasyon.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    732
    #2
    kung sa amerika report ito, baka sakaling patas!

    pero, dito sa atin, kahit kaya mong ipasa exam tsaka actual, la epek. pag nag lagay ka ok na.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Bago kumuha ng lisensya, mag-aral muna o mag-review?

    He-he! Ano itong pinagsasabi nila? Eh, kahit nga bulag eh, nakakakuha ng drivers license!

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    311
    #4
    eto totoong story. nahuli ko long time ago entering a one way street in makati. di ako nag attempt maglagay so kinuha license ko required daw mag seminar para tubusin. so trip lang nag attend ako ng seminar. dun sa seminar ang ginawa nung mga tao dun, magpapa exam daw muna at yung babagsak e yun na lang daw ang magse seminar. so yun exam kami, ang mga kasama ko dun mga bus drivers, jeepney drivers mostly, 2 lang kami na nag o opis. The result... langya kung sino pa mga driver bagsak.. you know what the questions were? basic traffic rules/signs grabe...most of the questions common sense lang e. nung araw na yun nalaman ko na kung bakit siraulo magmaneho mga bus drivers dito sa atin

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,058
    #5
    natural lang na bumagsak yan mga yan. most of them ignore traffic signs and don't obey traffic rules. kaya hindi na nila tuloy alam kung ano ang tama o mali.

  6. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    296
    #6
    That's proof enough. Common sense is a luxury not everyone can afford in this country.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    d-driver naman daw kasi yan mga opisyal hehehe

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #8
    Hehehehehehehehehe

    Nakasulat na nga sa questionaire ang sagot bagsak pa rin :D

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #9
    just an analysis on my own..

    the test involves proper "Moral Judgement"..on some part of the exam..

    like..

    If you encounter a vehicle using High Beam.. what would you choose??
    A. use also your high beam
    B. glance to the right an..........
    C. ......

    ans.. B.

    A. A. use also your high beam(Medyo mean pero quilty din ako dyan...ehheheh)


    sharre ko lng...

  10. #10
    eh di ibig sabihin walang common sense ang ilan sa mga customs at congressman natin

  11. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #11
    Quote Originally Posted by ILuvDetailing
    eh di ibig sabihin walang common sense ang ilan sa mga customs at congressman natin

    siguro...wala kasing tanong about money matters ayan tuloy bagsak!diba congressman at customs malapit sa kurakot?haha!grabe nakakahiya naman!

  12. Join Date
    May 2005
    Posts
    6,090
    #12
    What is the passing score? I remember it is out of 60 questions.

    And no, when I took my test there were no answers on the questionaire. I managed to borrow a reviewer beforehand but the question were a bit different in the actual exam.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #13
    malupit na drivers exam sa US, ilang araw ko ding nireview yung booklet, nakapasa naman sa first try, kaya lang nakailang ulit ako ng take sa actual driving test.

  14. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #14
    Hindi sa walang common sense..

    Wala lang talagang basic knowledge ang majority ng mga driver dito sa Pinas.

    Na-try ko na rin yang seminar chuchu.. Nag-exam lang kami dun sa stage sa may quezon city hall.. Walang seminar.. pocha.. ung mga katabi ko parang hi-skul.. kopyahan pa! hahaha

  15. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #15
    siguro...wala kasing tanong about money matters ayan tuloy bagsak!diba congressman at customs malapit sa kurakot?haha!
    haha..

    Wala lang talagang basic knowledge ang majority ng mga driver dito sa Pinas.
    Oo nga..

  16. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #16
    Magko-comment pa naman sana akong dapat kasing may educational attainment requirement ang opisyales ng ating pamahalaan pero sa huli ay nakita kong pati pala doktor, inhinyero at abugado ay bumabagsak din... Ang common sense kasi, sabi ng titser ko ay isang klase ng sense na hindi common...

    Kaya pala may ilan akong nakakasalubong na naka-high beam parati. Kahit mag-flash ka na, wala silang pakialam... Nakakasilaw! Iba rito, may heavy tint sa kanilang windshield... Common sense at morally right ba ito? E, para na lang kandila sa unahan ng sasakyan ang headlights mo dahil sa heavy tint? hehehe PEACE!

  17. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    440
    #17
    here's something more ironic.

    dati nung kumuha ako ng written test for my driver's license appication,may kasabay akong dalawang mmda traffic enforcers.i could tell because they where in complete uniform.we took the exam together with other PUV drivers.habang nageexam nagkokopyahan pa sila!parang di sugurado sa mga tanong na napakabasic.

    tapos nung kuhanan na ng result kasunod ko yung 2 taga mmda.guess what?bumagsak yung dalawa.humingi nalang ng lagay-500pesos- yung nagrerelease ng testpapers para mailusot daw sila.

    there goes our licensing system...

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #18
    Quote Originally Posted by Kanut
    here's something more ironic.

    dati nung kumuha ako ng written test for my driver's license appication,may kasabay akong dalawang mmda traffic enforcers.i could tell because they where in complete uniform.we took the exam together with other PUV drivers.habang nageexam nagkokopyahan pa sila!parang di sugurado sa mga tanong na napakabasic.

    tapos nung kuhanan na ng result kasunod ko yung 2 taga mmda.guess what?bumagsak yung dalawa.humingi nalang ng lagay-500pesos- yung nagrerelease ng testpapers para mailusot daw sila.

    there goes our licensing system...
    hehe, dapat nga naiperfect nila yung exam, e sila ang nagpapatupad sa mga questions in the exam on the road tapos bagsak pa sila. pano sila nanghuhuli ng erring motorists kung hindi nila alam mga yun?
    Signature

  19. Join Date
    May 2005
    Posts
    473
    #19
    Quote Originally Posted by boybi
    hehe, dapat nga naiperfect nila yung exam, e sila ang nagpapatupad sa mga questions in the exam on the road tapos bagsak pa sila. pano sila nanghuhuli ng erring motorists kung hindi nila alam mga yun?
    eh kaya naman grabe trapik dahil sa wala silang alam,nagtata-trapik pa.malamang nyan yung ibang MMDA di pa marunong magdrive.

  20. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #20
    Quote Originally Posted by boybi
    hehe, dapat nga naiperfect nila yung exam, e sila ang nagpapatupad sa mga questions in the exam on the road tapos bagsak pa sila. pano sila nanghuhuli ng erring motorists kung hindi nila alam mga yun?


    Sir, malabong mangyari yung ma-perfect nila yung exam. Karamihan nga sa MMDA, di alam ang difference between ODD and EVEN numbers di ba? Ganiyan sila ka-bobo!

Congressman, opisyal ng Customs lagpak sa LTO exams