New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 36

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #1
    EDSA, SLEX tataniman ng saging



    Bilang bahagi ng Metro Manila Facelift o pagpapaganda ng kapaligiran, tataniman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga puno ng saging ang center island ng kahabaan ng EDSA at South Luzon Expressway (SLEX).

    Ayon kay MMDA Chairman Bayani F. Fernando, upang higit na magkaroon ng kapakinabangan, planong gawing dekorasyon ng MMDA ang maliliit na puno ng saging na seņorita na itatanim sa pagitan ng poste ng Metro Rail Transit (MRT) para hindi maging sagabal sakaling lumaki at umusbong ang nasabing fruit tree.

    Bukod sa EDSA, tataniman din ng saging ang bahagi ng SLEX hanggang boundary ng Metro Manila upang hindi naman gawing tawiran ng pedestrian ang naturang highway na nagiging dahilan ng pagkakaroon dito ng napakaraming aksidente.



    Ayos to.. hindi lang buwaya ang kakalat sa Edsa mag kakaron na din ng mga Ungoy hehehehe

  2. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #2
    baket saging?
    whose big idea was this?
    galing ba talaga kay chairman yan?
    crap.

    sa bagay pag na-trapik ka, kuha ka muna ng saging pag nagutom ka. haahhahaha.
    di kaya balak nila ibenta yung fruits?
    banana with carbon lacing. yikes.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Siguro kaya saging ang itatanim ni BF, mabilis lumaki. Di ka na maghihintay ng matagal. Pero, bakit Senorita? Maliliit bunga nun. Dapat saba, para magkaron ng negosyo mga MMDA. Mabili banana-cue!

    Pero, pag nagsipaglaki yan, puro saging makikita natin sa EDSA? Wala na bang iba? Sana mag-isip naman sila!

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,865
    #4
    baka naman madulas tayo niyan sa mga malalaglag na saging? :lol:

    wala na bang ibang pwede?

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    456
    #5
    mahirap pa nun, magiging cause of accidents, maraming madudulas na sasakyan

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #6
    Tatawid pa rin mga tao diyan ... para pumitas ng saging, hehe. Baka maiinggit pa yung mga driver, pumitas din. Lalong traffic!

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #7
    "BANANA PLANTATION" in the middle of the street..

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    368
    #8
    dadami ang jaywalkers at kakalat ang balat ng saging.... hay naku, wala na ba talagang maisip ang gobyerno...

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,528
    #9
    ....baka gumawa na ng mga fruit stand mga MMDA jan.

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #10
    ok yan saging. gamot sa pimples. tingnan nyo mga unggoy walang pimples. bwahahahahaha. :bwahaha:

  11. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #11
    para daw hindi na kumotong yung mga mmda para sa merienda .. pipitas nalang sila ng saging ..

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #12
    merong saging na kulay pink pag hinog...

    yan ang dapat itanim ni BF

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #13
    Quote Originally Posted by RedHorse
    merong saging na kulay pink pag hinog...

    yan ang dapat itanim ni BF
    OT
    kulay pula yun, san jose yata ang tawag dun (at least sa may parte namin sa laguna). rare yung saging na yun, sa liblib na parte lang ng bukid nakukuha yun.

    Back on topic
    kaya daw saging, Banana Republic daw kasi tayo... we're a nation of monkeys... hear no evil, see no evil, speak no evil hehehe

    kung ang gusto ni BF e yung pwede gawing human barrier, dami namang halaman na merong tinik na pwede itanim or pwede kunin from somewhere at i-transplant na lang. pag saging tinanim nila, pag may dumating na bagyo na malakas, tumbahan lahat yan. makalat din yung dahon nyan pag natuyo at nalaglag.... haayy nako. ewan. baka naman gusto din nila na merong instant toilet paper (dahon ng saging) pag ju-mebs yung mga MMDA?

  14. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    866
    #14
    Quote Originally Posted by rsnald
    OT
    kung ang gusto ni BF e yung pwede gawing human barrier, dami namang halaman na merong tinik na pwede itanim or pwede kunin from somewhere at i-transplant na lang. pag saging tinanim nila, pag may dumating na bagyo na malakas, tumbahan lahat yan. makalat din yung dahon nyan pag natuyo at nalaglag.... haayy nako. ewan. baka naman gusto din nila na merong instant toilet paper (dahon ng saging) pag ju-mebs yung mga MMDA?
    Hahahahaha. :bwahaha:

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #15
    pano yan kung itutuloy nila? di yung mga squatters parating nasa gitna ngayon ng edsa and slex.

  16. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #16
    Quote Originally Posted by happy_gilmore
    pano yan kung itutuloy nila? di yung mga squatters parating nasa gitna ngayon ng edsa and slex.
    And they'll leave banana peels everywhere... whoops! there goes another truck through the railing!!!

    Ang pagbalik ng comeback...

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #17
    ayos yan kapag may baha, pwedeng gawing balsa ang katawan ng saging at gawing payong ang dahon nito.

  18. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #18
    well .. according to one of our expats who went back to the US .. ang na mi-miss niya raw sa pinas eh yung saging .. mahal daw ng saging kasi doon sa kanila ..

  19. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #19
    Basta si BF, may pagka-weird.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #20
    Quote Originally Posted by j_avonni
    Basta si BF, may pagka-weird.
    i guess you could say that he's a little bit....bananas? :bwahaha:

Page 1 of 2 12 LastLast
Saging sa EDSA & SLEX