MULTA SA TRAFFIC VIOLATION TATAASAN NG MMDA
Tataas na ang multa sa mga paglabag sa batas trapiko sa kalakhang Maynila.
Ito'y matapos aprubahan ng Metro Manila Council, ang policy making body ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang pagpapatupad ng pare-parehong multa sa traffic violations sa buong Metro Manila.
Ilan sa mga violation na malaki ang itinaas ng multa ay ang pagmamaneho ng lasing.
Ang dating P2,000 multa ay magiging P2,500 na.
Ang dati namang multang P750 para sa driving without license P1,000 na.
Ipatutupad ng MMDA ang bagong rate simula sa Enero ng susunod na taon.