New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #1
    nakita ko lang sa FB. Totoo ba? Bad or good?

    MULTA SA TRAFFIC VIOLATION TATAASAN NG MMDA

    Tataas na ang multa sa mga paglabag sa batas trapiko sa kalakhang Maynila.
    Ito'y matapos aprubahan ng Metro Manila Council, ang policy making body ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang pagpapatupad ng pare-parehong multa sa traffic violations sa buong Metro Manila.
    Ilan sa mga violation na malaki ang itinaas ng multa ay ang pagmamaneho ng lasing.
    Ang dating P2,000 multa ay magiging P2,500 na.
    Ang dati namang multang P750 para sa driving without license P1,000 na.
    Ipatutupad ng MMDA ang bagong rate simula sa Enero ng susunod na taon.
    https://www.facebook.com/phlrcriders

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #2
    ayos! uniform na fines sa buong metro manila

  3. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #3
    "boss nagtaas na rin kami ng rate ngayon" bagong dialogue ng MMDA

    ayos nga to pare-parehas na. Wala pa sa site ng MMDA yung bagong list

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #4
    kulang pa increase! dapat 5k minimum ang fines para madala talaga mga tao. tutal hinde tayo point system dito and na suspend or revoke lang license pag nagbugbog ka ng MMDA enforcer.

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #5

    Mababa pa rin ang multa sa pagmamaneho ng lasing....

    Dapat P20K to P50K para madala ang mga mayayabang at malalakas ang loob....

    At dapat, next month na... Marami na namang magda-drive ng senglot ngayon, dahil masarap uminom at malamig ang panahon.....

    At bumili sila ng mga breathalyzers na maayos....

    17.4K:date:
    Last edited by CVT; November 16th, 2012 at 10:15 AM.

Tags for this Thread

MMDA magtataas ng singil sa multa