kasi kanina nahuli ako sa may E. Rodriguez / Aurora blvd corner edsa. galing akong e.rodriguez tapos dumaan sa underpass going edsa. ang violation ko is NO RIGHT TURN.. hindi ko naman kasi napansin may sign daw before dumaan ng underpass.
at *correct me if im wrong* walang nakalagay sa mismong kanto nung edsa.

nakadaan na ako dun nung monday plus last week rin. hindi naman ako hinuli nung local enforcer na naka green at pinadaan pa nga ako..

yung mga mmda enforcers ba nagpapalit ng pwesto araw-araw? tinanong ko kasi kung naka assign
ba siya doon sabi niya oo pero bukas daw sa iba naman...

ngayon hindi ko sign yung ticket sa sobrang inis, sabi ko icontest ko nalang, RTS nilagay sa ticket.. 150 yung penalty nung violation ko pwede namang bayaran nalang if ever? mukhang hassle naman icontest yung 150 pesos -_-