^ doon sa photo, 4 lang sila +1 na gagaya![]()
Bakit kasi di nalang tanggaling yang napakadameng bus at jeep. Hehe tapos govt nalang magprovide parang sa Hk at Singapore unified. No offense meant sa mga operators :D
Sent from my iPad using Tapatalk
kitang kita natin kung ano ang cause ng traffic.... mga puv drivers na naka obstruct sa daloy ng trapiko.... dapat disiplinahin.... para sakin kung meron lang nanghuhuli dun at yung nanghuhuli eh hindi lax sa trabaho nya malamang hindi gagawin yan ng mga PUV drivers... hindi sila babalagbag kung may nanghuhuli....
malaki kasi ang pagkukulang ng mga MMDA AT traffic enforcers natin..... kung hinuhuli nila ang mga ganyan sigurado ko walang ganyan driver...... ang mga PUV DRIVERS takot na takot sa mga traffic at MMDA enforcers....
i think kung kasing higpit lang ng sa subic ang implementation ng traffic rules dito sa metro manila, magtitino lahat ng motorista
kita nyo naman, pag nagta-transform lahat ng tao pag nasa subic![]()
:thumbup:
Nag-umpisa ang Subic sa mahigpit na pagpapatupad ng kanilang batas trapiko. Kaya kahit wala kang makitang enforcer ngayon sa Subic, nakatatak na sa drivers na mahigpit sa loob ng Subic.
Sa labas ng Subic, kaya konti sumusunod, kasi puro kotong imbes magpatupad at manghuli sa violators. Actually, kaya umunlad mga karatig nating bansa kasi kamay na bakal gamit, walang peteks sa taga pagpatupad. Pag seryoso sa taas, makikita at mapapansin sa baba yan. Eventually, susunod lahat