New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    18
    #1
    Hello po!

    Ask ko lang po dito kung meron nakatira sa St. Ignatius Village sa may Libis, QC. at kung alam nyo ang tamang parking rules and regulations within the village? Kasi po nagrerent po kami ng isang apartment dun at wala pong garage yung apartment so sa kalsada kami nakapark.

    Kaninang umaga, yung isang gulong nung auto ko walang hangin! Wala namang butas yung gulong, talagang may nagtanggal nung hangin nung gulong, nakakainis.

    Maayos naman po ako magpark within the village, may rule po kasi sa village na every year nagpapalit kung saang side ng street pwede mag park, so this year sa right side, next year sa left and so on. I never park sa harap ng gate ng ibang tao or sa mga kanto. In fact, dun ako laging naka park sa harap ng isang vacant lot sa loob ng village na malapit sa guard house.

    Meron po sumita sa akin ng parking ko dun before kasi daw yung mga tenants nung apartment na pagmamayari nya wala daw maparkan kasi dun ako nagpapark sa harap ng vacant lot na malapit sa apartment units nya. Di ko na lang po pinansin kasi sa pagkakaalam ko wala naman akong maling ginawa.

    Nakakainis lang kasi nagbabayad ako ng homeowner's fee na around 3k every quarter para makakuha ng village sticker para makapasok yung auto ko sa village tapos nagagalit pa yung ibang taga village dahil sa parking eh sa totoo lang sa harap ako ng vacant lot nagpapark na hindi ako nakakaabala sa ibang tao. Nagiingat po ako kasi nagrerent lang ako within the village tapos sila homeowner's dun so ayaw ko naman may maka away na homeowner diba.

    Ewan ko na lang kung sinong siraulo nagtanggal ng hangin sa auto ko, pero what should I do, magfifile ba ako ng report sa homeowner's or sa barangay na mismo?

    Pasensya na po sa mahabang kwento, sobrang nainis lang ako kaninang umaga, kelangan mag vent ng anger! hehe

  2. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #2
    kaibiganin mo lahat ng kapitbahay mo. bigyan mo hopia, cake, donuts.

    pag may personal relationship na kayo ng kapitbahay malamang di ka na pagttripan.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    205
    #3
    a close friend of mine lives in that village. there are signboards that tells you can park your car on that area. pag walang sign, bawal mag park dun. mapapansin mo naman yung mga sasakyan, magkakasama, parang may occassion sa katapat na bahay.

  4. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    18
    #4
    That's right agent_ysann, meron nga mga signboards. Actually yung auto nakapark pa mismo dun sa tapat ng signboard na "parking on this side only".

    Ewan ko ba kung bakit hot na hot sila sa parking space na yun, first come first served lang naman, kapag di ako nakakapag park dun, dun na ako sa malayo nagpapark, hindi naman ako nagrereklamo at hindi naman sumasama ang loob ko. Sobrang big deal sa kanila.

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #5
    some people are like that. pag nasanay na sila sa lugar na yun, ang thinking nila is pag-aari na nila yun.

    chill out. pag napuno ka na, reklamo ka lang and wag mo na lang gayahin yung ginawa nung put***** babae na yun sa citibank! :bwahaha:

  6. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    18
    #6
    Bakit claRkEnt ano nangyari sa citibank? Di ko alam ang kwento na yan

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #7
    Quote Originally Posted by cherieannc View Post
    Bakit claRkEnt ano nangyari sa citibank? Di ko alam ang kwento na yan
    sori sa OT. hehehe

    here's the link ... http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=57519

Parking inside villages or subdivisions