New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 9 FirstFirst 123456789 LastLast
Results 81 to 100 of 175
  1. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    283
    #81
    hirap talaga pag walang parking.
    kami din ganyan problema sus nakipag away pa ako dahil dyan..... maayos ko naman syang sinabihan as in in a nice way pa mahinahon eh mainit ulo nung driver nag sisisigaw na nga yung driver eh ako kalmado pa din nag labasan na nga mga pinsan ko para tumulong kaso sabi ko kalma lang kayo at lumayo kayo........ nag amba pa nga na sasapakin ako sabi ko sige sige lang kala nya talaga aatrasan ko sya inaantay ko lang sya unang sumapak pag nangyari iyun sigurado ako pag sisisihan nya. ayun naawat din sya......
    kalmado lang po .....

  2. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    1,488
    #82
    wala po ba talaga kaming rights magpark sa tapat ng apartment nila (not blocking driveway)?
    Sabihin na nating pwedeng pumarada sa tapat nang bahay mo at sya naman ang paparada sa tapat mo. Ano ang gagawin mo kung wala kang ibang paparadahan? Of course, mas may right ka doon sa tapat mo.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,625
    #83
    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    it was already explained at the start of this thread.. many years ago.
    in simplest terms, no one has the right to reserve the public road (even if in front of his establishment), for himself.

    a law enforcer said, "unahan po yan". ang ma-una, siyang nagwagi. walang reserve-reserve.
    that is, assuming the law is lenient and tolerates parking. otherwise, hatak lahat kayo!

    kung private road naman, "we will refer you to the owner".

    then there are basic rules..
    do not park so as to obstruct driveways, pedestrian lanes, utilities (fire hydrants, emergency ekek..).
    and do not park less than 5 (or is that 6?) meters from a corner (edge). (is this for main roads only? i forget..) i think that is why there is yellow and black paint stippling the curb as it approaches the corner... ?? i could be wrong.. corrections from the more knowledgeable, are welcome.
    Last edited by dr. d; September 28th, 2015 at 12:28 AM.

  4. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    454
    #84
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    it was already explained at the start of this thread.. many years ago.
    in simplest terms, no one has the right to reserve the public road (even if in front of his establishment), for himself.

    a law enforcer said, "unahan po yan". ang ma-una, siyang nagwagi. walang reserve-reserve.
    that is, assuming the law is lenient and tolerates parking. otherwise, hatak lahat kayo!

    kung private road naman, "we will refer you to the owner".

    then there are basic rules..
    do not park so as to obstruct driveways, pedestrian lanes, utilities (fire hydrants, emergency ekek..).
    and do not park less than 5 (or is that 6?) meters from a corner (edge).
    Mga tao dito sa amin yung may mga bahay sa kanto yung sasakyan nila sa may kanto din nakapark. Pag nataon may kasalubong ka aatras talaga isa sa inyo. Sarap hagisan ng bagoong.

  5. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,625
    #85
    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    Quote Originally Posted by carofsteel View Post
    Mga tao dito sa amin yung may mga bahay sa kanto yung sasakyan nila sa may kanto din nakapark. Pag nataon may kasalubong ka aatras talaga isa sa inyo. Sarap hagisan ng bagoong.
    bat naman nila susundan ang batas, kung alam naman nilang walang magpapatupad..?

    yung road dito samin, nung unang panahon ay malinis. dahil nanghahatak. ngayon.. almost impassable na. may talyer.. may batalan.. may sala.. may semi-permanently parked vehicles na tinutubuan na ng damo sa ilalim! e, kung mag-umpisang manghatak uli ay pihadong lilinis na naman..
    and when that road becomes passable again, the other main road parallel to it, will be decongested! so who says no-to-parking is not going to significantly improve traffic flow?
    Last edited by dr. d; September 28th, 2015 at 12:48 AM.

  6. Join Date
    Mar 2014
    Posts
    553
    #86
    Kung public road ang area, kahit nasa tapat pa ng bahay pero walang sariling garahe, at sa public road pa rin naka-park..
    kahit sino, walang rights mag-angkin mag-park...kahit sino pwede mag-park..

    kahit nga sa mga private property na, (subdivision at mga condo) yan pa rin ang problema...

    may pambili ng sasakyan, pero walang pambili ng sariling parking slot?

    para walang ayaw o gulo at even magasgasan ang sasakyan (kung maselan sa sasakyan), bumili ng sariling lupa, or bili ng parking slot (condo) or magbayad sa pay-parking or mag-rent sa parking slot...

    simple as that...

  7. Join Date
    Feb 2015
    Posts
    188
    #87
    Better get a parking space first or build a garage before buying a car...it's for your own good also, iwas gulo...walang kaaway sa parking and safe yung auto mo.

  8. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    8
    #88
    Quote Originally Posted by confused shoes View Post
    Sabihin na nating pwedeng pumarada sa tapat nang bahay mo at sya naman ang paparada sa tapat mo. Ano ang gagawin mo kung wala kang ibang paparadahan? Of course, mas may right ka doon sa tapat mo.
    sir ok lang sana kung yun po ang reason nya, na wala syang ibang paparadahan. kaso po ang pinipilit po nya na reason kaya bawal magpark dun e kanila daw nga daw po iyon. kung sa tenant po, nirerespect naman po namin kung me nagpapark, e ang kaso ho iisa lang po sa tenant nya ang may sasakyan at yun po e nagpapark na sa side sa kabila katapat namin. palagi nya lang inaaway kahit sinong magpark sa tapat nya. parang ang nangyayari, yung kalsada po e part ng apartment nila, na kasama yung road sa business nila.




    sa mga nagreply, malaking tulong po ang info na sinabi nyo, di po kasi kami sanay makipag talo lalo na't mayaman po kasi tong nakabangga namin. salamat po. mamaya na po kami paghaharapin sa brgy. thank you po.

  9. Join Date
    Dec 2014
    Posts
    568
    #89
    Kahit saang anggulo yan, mali ang neighbor mo. Bigyan mo mamaya ng listahan ang barangay lupong tagapamayapa. Listahan ito ng mga tanong ng barangay para sa neighbor mo:

    Ikaw ba ang nagpagawa ng kalsada, side walk at imburnal?
    Ikaw ba ang nagme-maintain niyan?
    Binili mo ba sa developer ang portion ng kalsada?
    Kung binili mo, nasaan ang kasulatan?
    Magkano ang bili mo sa portion ng kalsada?
    Ikaw ba ay nagbabayad ng amelyar (real estate tax) sa city treasurer para sa portion ng kalsada?
    Kung ikaw nga ang nagbabayad, nasaan ang tax declaration?
    Kung nagbayad ka nga, nasaan ang resibo na issued ng city treasurer?
    Pinaparenta mo ba sa tenant ang kalsada?
    If so, nasaan ang contract of lease na nagsasabi na Kasama ang kalsada sa lease?55
    Magkano ang renta sa iyo para sa kalsada?
    Ikaw ba ay nagbabayad ng income tax at VAT sa nakukuha mong renta sa kalsada?

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,364
    #90
    Quote Originally Posted by machine.pistol View Post
    Kahit saang anggulo yan, mali ang neighbor mo. Bigyan mo mamaya ng listahan ang barangay lupong tagapamayapa. Listahan ito ng mga tanong para sa neighbor mo:

    Ikaw ba ang nagpagawa ng kalsada, side walk at imburnal?
    Ikaw ba ang nagme-maintain niyan?
    Binili mo ba sa developer ang portion ng kalsada?
    Kung binili mo, nasaan ang kasulatan?
    Magkano ang bili mo sa portion ng kalsada?
    Ikaw ba ay nagbabayad ng amelyar (real estate tax) sa city treasurer para sa portion ng kalsada?
    Kung ikaw nga ang nagbabayad, nasaan ang tax declaration?
    Kung nagbayad ka nga, nasaan ang resibo na issued ng city treasurer?
    Pinaparenta mo ba sa tenant ang kalsada?
    If so, nasaan ang contract of lease na nagsasabi na Kasama ang kalsada sa lease?55
    Magkano ang renta sa iyo para sa kalsada?
    Ikaw ba ay nagbabayad ng income tax at VAT sa nakukuha mong renta sa kalsada?
    Dame mo hinihingi, Ah basta bawal!

    - neighbor

  11. Join Date
    Dec 2014
    Posts
    568
    #91
    Yes, only to emphasize the absurdity of the neighbor's claim.

  12. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    268
    #92
    Naalala ko tuloy yung INC sa TV na initerview ni Doris, ang daming tanong pero walang nasagot. #hugot

    hahahah

    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    Dame mo hinihingi, Ah basta bawal!

    - neighbor

  13. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    8
    #93
    Hindi po umattend ngayon yung neighbor namin, magseset daw po ulet ng date yung brgy. Ang gusto papuntahin e tatay ko, pero nanay ko yung humaharap. Pinipilit pa na binantaan daw sya ng tatay ko, andun naman yung kapitan nung nangyare yung kineclaim nyang banta. Dinuru-duro kasi ako nung tinutulungan ko magexplain ng mahinahon ang tatay ko na temporary lang kaming nakipark dun, nagalit ang tatay ko, pero kalmado naman yung boses, at sinabeng wag ako gagalawin at baka patulan sya. Iniiwas sana namin iharap yung tatay ko dahil may saket nga sa puso.

    Malaking tulong po yung listahan kasi at least meron kaming sasabihin/ isasagot sa bawat putak nya dun sa hall. haha. pero salamat po talaga sa mga reply at nainform po ako. Thank you po.

  14. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,764
    #94
    OA mag react yun neighbor niyo. I would move out of that area if possible and look for a house with enough parking. Mahirap din may kaaway na neighbor.

  15. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    8
    #95
    Quote Originally Posted by _Cathy_ View Post
    OA mag react yun neighbor niyo. I would move out of that area if possible and look for a house with enough parking. Mahirap din may kaaway na neighbor.
    24 years na po kasi kami nakatira dito. dito na po kami nakapagpundar. eh nagkataon pong yung nanay ng may-ari namatay 3yrs ago, sya nagmana ng properties. 3yrs na po nya inaaway lahat ng residents dito, eh tahimik naman po kaming pamilya. sya yung sumugud ng sumugod.

  16. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #96
    Kung nagpaparenta siya tanong mo nasaan ang permit at kontrata niya sa mga tenants niya at ebidensiya na nagbayad siya ng tax.
    Sabihin mo isusumbong mo siya sa BIR, kita mo tatahimik na yan.

  17. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    8
    #97
    *^ ahahah. sige po isasagot din po namin yan pag nagharap kami. salamat po. di talaga kasi kami sanay makipagargumento sa mga gantong bagay salamat po sa suggestions.

  18. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #98
    Ako kasi kabaliktaran naman ng syo. lagi may nakapark sa harap namin although nasa opposite side naman siya ng street abala pa rin maglabas at magpasok ng sasakyan. Pero never ko naman inaway kapitbahay namin. Iba pa rin ang walang kaaway at tahimik ang buhay.

  19. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    8
    #99
    Yung naman po kasing case na nangyare, iniintay lang po namin umalis yung bisitang nakapark. actually kakababa lang po ng tatay ko ng nagulat kaming naghihysterical yung may-ari at pinagsisigawan si papa.

    wala naman po talaga kaming balak pumark ng matagal dun disadvantage pa nga po samen kasi tulad ng sabi ninyo, pag may sasakyan na lalabas hassle. delikado baka kami pa yung mabangga. altho wala po talagang sasakyan na pumpasok/labas dun sa part na yun kasi yung tenant nya na may sasakyan, forever lang nakapark dun sa tapat. di halos ginagamit yung kotse.

    eh ang nakakasama lang po ng loob e yung panghaharass nya samin at pagkeclaim nya na kanya nga po yung tapat ng apartment nya.


    maraming salamat po talaga sa mga reply at suggestions.

  20. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #100
    Quote Originally Posted by Bin Diesel View Post
    Ako kasi kabaliktaran naman ng syo. lagi may nakapark sa harap namin although nasa opposite side naman siya ng street abala pa rin maglabas at magpasok ng sasakyan. Pero never ko naman inaway kapitbahay namin. Iba pa rin ang walang kaaway at tahimik ang buhay.
    Puwede mo sigurong i-tolerate iyan bro. kung nagpaparada ka rin sa labas.

    Pero, kung hindi ka nagpaparada sa labas at lahat ng sasakyan mo ay parating nasa garahe pag nasa bahay ka... aba e respeto na lang sa kapitbahay iyan.... Hindi naman kailangang awayin,- pakiusapan muna...

    Again, a public space should not be used by anyone as to inconvenience another... In effect,- strictly,- bawal pumarada sa public spot.



    "The measure of a man is what he does with power" LJIOHF!

    27.7K _/_/_/_/_/:boat:_/_/_/_/_/

Parking in front of the house