Hello po, new member po ako just now
Nakaka relate din po ako sayo pero ibang story naman din po.. nakatira kasi kami sa subdivision na walang garage, swerte lang yung mga nauna kasi mas malawak yung space nila, pero dahil di ko naman pinangarap na tumira sa subdivision na ito dahil biglaan ko lang din po na-assume itong Unit na ito nong nag away away kami magkakapatid kay nag separate na ako.. single pa po ako at di pa nag aasawa kaya sabi nila mas may karapatan sana ako sa bahay namen😅
Yung issue po dito, dati naka park po car ko sa harap mismo ng bahay ko which is left lane po lahat.. kamakailan lang eh naging right lane na, kaya yung designated parking space ko nasa dulo na sa gilid ng bahay na walang nakatira matagal na.. ngayon naman nabenta na at yung nakabili eh sinigahan ako dahil alam naman niya na nagpaparada ako sa parking space ko, pag dating ko kanina nakaparada na sasakyan niya, di man lang marunong rumispeto ba na sana kinausap niya ako, prior to that nabanggit ng kapitbahay namen na may nagtatanong kung kanino daw sasakyan nakaparada sa gilid ng bakuran niya--sinagot naman eh sa government employee po na babae.
Ngayon po eh binalandra ko na sasakyan ko sa harap ng sasakyan niya at talagang dikit yung pwet ko sa bumper ng harapan niya,na halos isang daliri lang ang pagitan (bale corner lot yung bahay niya, at pa curve pa right yung sasakyan ko dahil kinuha niya yung parking space ko na ibinigay ng Homeowners Office.
Question: Ano po ang karapatan niya na paalisin ako sa parking space ko na designated sa sasakyan ko? Since 2019 doon na ako nag park, ngayon lang siya nakabili ng Unit dito sa Subdivision namen tapos ganyan siya kasiga!