EDSA, SLEX tataniman ng saging



Bilang bahagi ng Metro Manila Facelift o pagpapaganda ng kapaligiran, tataniman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga puno ng saging ang center island ng kahabaan ng EDSA at South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay MMDA Chairman Bayani F. Fernando, upang higit na magkaroon ng kapakinabangan, planong gawing dekorasyon ng MMDA ang maliliit na puno ng saging na seņorita na itatanim sa pagitan ng poste ng Metro Rail Transit (MRT) para hindi maging sagabal sakaling lumaki at umusbong ang nasabing fruit tree.

Bukod sa EDSA, tataniman din ng saging ang bahagi ng SLEX hanggang boundary ng Metro Manila upang hindi naman gawing tawiran ng pedestrian ang naturang highway na nagiging dahilan ng pagkakaroon dito ng napakaraming aksidente.



Ayos to.. hindi lang buwaya ang kakalat sa Edsa mag kakaron na din ng mga Ungoy hehehehe