Bibigyan ng isang linggo ang mga driver ng pampubliko at
Sa Mayo 26, dapat ay natanggal na ang mga ito, private o public utility vehicle man ang minamaneho mo, kundi ay pagmumultahin ka ng P5,000.pribadong sasakyan na tanggalin ang anumang abubot sa kanilang dashboard at windshield, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes.
Maraming motorista ang nagtanong tungkol sa tinatawag na "line of sight" sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) dahil bawal ito maharangan ng hands-free devices tulad ng smartphone para sa paggamit ng navigational apps.
Paano naman daw ang iba’t ibang accessories na nakapatong sa dashboard o nakasabit sa windshield? Hindi naman mga gadget ito pero nakakaharang pa rin.
Ayon kay Aileen Lizada, board member ng LTFRB, mayroon nang batas na nagbabawal sa mga ito: ang Joint Administrative Order (JAO) 2014-01.
Sa ilalim nito, bawal ang "defective and unauthorized accessories" na maaaring "prejudicial to road safety" -- at ayon kay Lizada, kasama rito ang popular na bobbing head dogs, kumakaway na laruang pusa, at iba pang display sa taas ng dashboard, pati na kurtina sa windshield. Pati ang nakasabit na rosaryo sa rearview mirror ay bawal.