Results 21 to 30 of 50
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2011
- Posts
- 145
May 23rd, 2011 03:22 PM #21
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jan 2003
- Posts
- 2,979
May 23rd, 2011 03:46 PM #22
-
diretsahan lang
- Join Date
- Jul 2009
- Posts
- 627
May 23rd, 2011 03:55 PM #23^ yup
kakapal ng mukha nung mga ganyan eh
sa kin, ok lang me magparada sa harap ng bahay ko (wag lang sa driveway) kung sandali lang at tatanggalin agad pag kailangan
ang di ko maintindihan eh yung mga ginagawang paradahan talaga ang kalye na tipong inaangkin na yung spot
yung kapitbahay ko, pwedeng magparada ng 3 sa parking niya pero 2 lang ang pinaparadahan
yung bulok na oto eh sa kalye na pnaparada - sa harap ng ibang bahay!
ang siste... di na tinatanggal dahil di na umaandar yung lumang oto.
aba! ang kapal ng mukha! ginagawa ba namang junkyard yung kalye at tapat ng iba.
ilang beses nang pinupuntahan nung village security yun dahil bawal naman talaga mag-permanent parking sa kalye
pero ang tigas talaga ng mukha at di tinatanggal. grabe! pakapalan lang talaga ng apog dito sa atin. tsk tsk
-
May 23rd, 2011 04:12 PM #24
-
May 23rd, 2011 04:17 PM #25
*shadow yun mga bagong lipat may mga sasakyan na.dapat bago ka pala lumipat ng titirhan,tignan mo kung may mapaparkan ka sa kalsada.may bagong lipat nun dito samin,3 sasakyan (honda SIR,toyota revo,nissan urvan).yun nilipatan dito may parkingan naman na isa sa loob.yun honda o revo sa loob.pag nasa loob yun isa,nasa tapat gate din yun isa at yun urvan kung saan saan na pinapark.dagdag sikip na naman.mga ilang buwan nagbebenta na sila mineral water at dun sa grahe na imbakan nila kaya sa labas na lahat sasakyan nila.mga 2years lang sila at lumipat na dahil siguro wala na maparkan.
*silverworx Sinabi mo pa.mula nun nabili namin kotse ko nun 1997 brandnew,hindi pa napaparepaint.masdumami pa gasgas nun andami na mga sasakyan dito at may elementary school pa sa kanto kaya dito daanan mga bata at napakadaming tricycle na sinasakyan mga estyudante.pag uwian na mga bata,hindi mo na madadaanan sa kanto dahil sa dami ng tricycle at mga bata.tong mga batang estyudante naglalaro sila sa paligid ng sasakyan,sinasandalan,pag maalikabok sinusulatan.May budget na nga ako para pahilamos ko na din pero saka ng pag may sarili na parkingan kotse ko.
-
May 23rd, 2011 04:20 PM #26
problema ko ito, kanto ang bahay namin, so kapag lumalabas ako ng garahe ang hirap. ang pumaparada ang lalaki pa, L300 o L200 o Canter. hinaharangan ko ng no parking, aba pumaparada pa rin. ginagamit ko kasi iyon kapag magpapalit ako ng sasakyan kasi isang mahaba lang ang parking namin.
-
diretsahan lang
- Join Date
- Jul 2009
- Posts
- 627
May 24th, 2011 12:14 PM #27parehas tayo, bro. tandem parking rin ako sa garahe ko.
mahirap nga magpalit-palit kung di libre yung tapat mo para mapagparadahan sandali nung isa habang nilalabas mo yung isa naman.
ewan ko ba bakit di maintindihan nung mga garapal na kapitbahay yan at pilit pa ring nagpa-park sa harap ng bahay mo.
dapat pa bang pakiusapan na alisin yung sasakyan nila sa harap mo para lang magamit mo kung kailangan?
-
May 24th, 2011 12:55 PM #28
ako siguro malapit na makipag-away... dati kasi meron akong nire-rentahan na monthly parking kaya lang pinagawa na yung bahay kaya street parking muna ako...
yung kapitbahay namin nagpagawa ng drainage kaya lang di binaon sa kalsada yung PVC. so pag may dumaan siguro masasagasaan. nasa gitna kasi ng kalsada yung kanal sa street namin.
nung nagpark ako sa kabilang side, sabi ba naman eh di ako pwedeng magpark dun kasi baka madaanan daw yung PVC nya at baka mabasag. yung may-ari nga nung bahay eh pumayag na dun magpark pero sya naninita.
sa may likuran kasi kami kaya di maka-park sa harap nang bahay. kundi nga lang maliit pa yung mga baby ko eh bebenta ko na talaga auto... puro puno kasi yung mga pay parking sa amin ngayon. wala din naman ako pambili ng bahay na may garahe sa ngayon. ipon muna.Last edited by skyglider; May 24th, 2011 at 01:27 PM.
-
May 24th, 2011 02:49 PM #29
kung alam mo lang bro kung paano ako mainis na talagang gusto ko na ngang lagyan ng pako mga yun. ako yung may-ari ng bahay ako yung pumaparada pa sa ibang bahay (na malayo pa) saglit para lang magpalit ng sasakyan. kups talaga.
tapos ako lang nagddrive, sana kung sabay na aandar yung sasakyan. palitan kasi kung coding tsaka depende sa lakad kung ano ang kailangan.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2011
- Posts
- 191
May 24th, 2011 03:05 PM #30Wala bang mga pics dyan of the different scenarios that you're encountering?
Sa amin kasi, nag harapan pa kami sa Barangay bago ma-resolve ang parking issue dito sa harap namin. Mga bastos at ugaling kalye na nakatira dito sa harap namin.
the triumph of man over... man!, using the crudest of implements (by modern standards).
Traffic!