
Originally Posted by
CVT
Agree. Learn To Share The Road....
Kahit saang kalye,- puwedeng lumusot ang motorsiklo,- kaliwa man o kanan (puwede bang isang side lang?- makakalusot din naman e)... Learn to share the road.
Tapos pag lumusot,- puwede bang diretso lang? At hindi magka-cut sa unahan,- delikado e. Learn to share the road.
Kapag nasa-unahan ang motor,- at malayo na ang nasa unahan nitong sasakyan,- puwede bang tumabi at palusutin ang 4-wheeler? - Learn to share the road.
Kapag may tumigil sa tabi na 4-wheeler - magbababa ng pasahero e... Puwede bang huwag makipagkarera para lumusot sa kanan at i-cut ang 4-wheeler na lulusot sa kaliwa ng nakatabing sasakyan?... Puwede namang pumila ng kaunting segundo at lusot na rin naman lahat ng sasakyan e... Learn to share the road.
Sa mga intersection na may traffic light,- di ba't nasa unahan naman lahat ng motorsiklo at nakatabi sa mga sasakyan? Kapag- go na di ba't nauuna naman halos lahat ng motorsiklo? Puwede bang iyong darating pa lang sa intersection,- huwag karerahin ang mga 4-wheelers na tumatawid at ika-cut sa unahan?.... Tumitigil halos ang trapik dahil nag-aalangan ang kina-cut ng mga motorsiklo... Tuloy,- kaunti lang ang nakaka-cross ng intersection... Walang pumipigil na lumusot ang mga motorsiklo sa kaliwa o kanan (again,- puwede bang isang side lang),- pero baka naman puwedeng diretso lang at huwag mag-cut sa unahan?.... Learn to share the road.