New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    BAWAL na para sa mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumambay sa ilalim ng flyover ng Roxas Blvd. kanto ng EDSA, bunga ng talamak na reklamo ng pangongotong.

    Ayon kay MMDA General Manager Robert Nacianceno, inutusan na nila ang mga enforcers na huwag nang manatili sa naturang lugar bunga, matapos bahain ng reklamo ang Traffic Operations Center, kaugnay sa mga nagaganap na pangongotong sa mga motorista, partikular sa mga pampublikong sasakyan.
    Idinagdag pa ni Nacianceno na binalaan na nila ang kanilang mga tauhan na iwasan ng umistambay at manghuli ng motorista sa naturang lugar kung nais pa nilang manatili bilang miyembro ng traffic enforcement group ng MMDA.

    Inabisuhan din ni Nacianceno ang mga motorista na isnabin o huwag nang hintuan pa ang mga traffic enforcers na manghuhuli sa kanila sa naturang lugar, at kaagad na magsumbong sa kanilang tanggapan kung may sumusuway sa kanilang direktiba. Napag-alaman na karamihan sa mga nabibiktima ng mga kotongerong traffic enforcers ay ang mga namamasadang van patungong Cavite at mga pampasaherong bus na bumabaybay sa ilalim ng tulay patungong Mall of Asia.

    Sinabi ni Nacianceno na posibleng hindi naman nila mga tauhan ang nangongotong sa naturang lugar dahil bukod aniya sa kanilang mga enforcers ay may mga naka-tambay ring mga cho-colate boys na miyembro ng Pasay City Traffic Enforcement Unit.


    =============================================


    Bakit sa Roxas Blvd. lang? Sa Taft Ave/Edsa sa ilalim ng LRT, dami nila roon. Sa Buendia/Taft Ave. rin, sa ilalim ng LRT kumpol-kumpol sila roon. Naghihintay ng mga mabibiktima.

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    565
    #2
    wala ng pulis
    wala ng pulis
    sa ilalim ng tulay

    wala ng pulis
    wala ng pulis
    sa ilalim ng tulay


  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #3
    ^ Papaano na ngayon ang dugtungan song?....

    Dapat kasi ang mga enforcers ang umaasiste sa mga motorista,- hindi lang nanghuhuli.... Pro active ika nga,- hindi reactive....

    Hay, bayan namin!!!

    3001:thud:

MMDA Traffic Enforcers Bawal nang Magtago sa Ilalim ng Tulay