New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 419

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    1,365
    #1
    Quote Originally Posted by testament11 View Post
    I beg to disagree sa 4 day work. Sa start up palang ng planta, mahihirapan ka na makabawi kung 4 na beses ka lang papasok.


    Useless lagyan ng toll ang EDSA. Lahat kadi eh dadaan ng EDSA, so magiging additional expense lang yan


    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2
    The other point is the short stretches of every traffic light,if every intersection will have toll gate,mamma Mia,que horror,think traffic will reach every entry and exit point of metro manila

  2. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    1,723
    #2
    this is perfect..... An excuse to buy more cars

  3. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,760
    #3
    Quote Originally Posted by redeemed View Post
    Ito, inexplain ni Tolentino... pagnatuloy, whatever option na napili, need na ata isulat sa papel at i-paste sa loob ng oto. hanggulo! :

    Panukalang 4 na numerong coding kada araw, ipinaliwanag ng MMDA




    Pumalag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga negatibong reaksyon ng maraming mananakay sa pinag-aaralang bagong number coding scheme.

    Sa panayam ng DZMM, ipinaliwanag mismo ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga opsyon sa pagpapatupad ng panukalang apat na numerong coding kada araw.

    Binigyang diin ni Tolentino na hindi ito nangangahulugan ng dalawang araw na total ban sa mga sasakyan sa Metro Manila.

    Sa ilalim ng unang opsyon ng MMDA, halimbawa tuwing Lunes kung kailan planong gawing coding ang 1, 2, 3 at 4, ipagbabawal lamang ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 3 at 4 sa EDSA at hindi sa lahat ng kalsada sa Metro Manila.

    "On a Monday, [halimbawa] kayo ay 3 at 4, at kasama [kayo sa coding], 'yung 3 at 4 pwedeng dumaan sa C5, sa Mandaluyong o JP Rizal. Ibig sabihin, meron tayong 5,037 kilometers sa buong Metro Manila na road network, ibabawal lang 'yung additional two [na coding] sa 23 kilometers ng EDSA. Magagamit niyo pa ho 'yung mahigit 5,000 kalye."

    Maaari pa rin anyang tumawid ang mga sasakyan sa EDSA.

    Sa ilalim naman ng ikalawang opsyon ng MMDA, ipagbabawal lamang ang dagdag na dalawang numerong coding sa EDSA tuwing rush hours.

    "Ang isang option pa ho dito ay tuwing peak hours lamang, [hindi buong maghapon]... 7:00 to 10:00 sa umaga at 5:00 to 8:00 sa gabi sa plus two, 'yung 3 and 4 [kung Lunes]. 'Yung existing, the same pa 'yun. Niluluwagan lang natin 'yung nagsisiksikan lagi sa 23 kilometers [sa EDSA] para magamit naman po 'yung side streets. At 'pag ginamit po 'yung side streets, 'yun na po 'yung paraan para maalis 'yung illegally parked doon."

    Binigyang diin pa ni Tolentino na nasa preliminary stage pa lamang ang bagong number coding scheme.

    "Preliminary stage pa lang, pinag-aaralan pa lang ito. Part po ito ng opsyon na minumungkahi sa MMDA."

    Sa ilalim ng pinag-aaralang scheme, kabilang sa coding ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1, 2, 3 at 4 tuwing Lunes; 5, 6, 7 at 8 naman tuwing Martes; 9, 0, 1 at 2 kung Miyerkules; 3, 4, 5 at 6 kapag Huwebes; at 7, 8, 9 at 0 sa Biyernes.

    DZMM Radyo Patrol 630 - Silveradyo
    Got this from another thread.

    I'm completely floored by the display of intelligence of our dear Chairman. WTF?!?!?!? This is really ABSURD!!!

    Magpapaskil ng papel sa auto?!?! Tapos ang gulo gulo ng rules nila!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #4
    hinde na nga maayos ng dynasty nila yun traffic sa Tagaytay eh. nilagay pa ni Pnoy as MMDa chairman

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #5
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    hinde na nga maayos ng dynasty nila yun traffic sa Tagaytay eh. nilagay pa ni Pnoy as MMDa chairman
    Exactly! One friggin main road... hindi maayos.

  6. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    479
    #6
    hahaha. ikaw kaya magsalita ng mabilis ng hindi bumubuka ang bibig? kaya nga brilliant eh, kaya nya eto. seriously, i would choose it to be traffic going to my office using my car than take a bus taxi or mrt on a free flowing edsa. mas comfortable pa din sa car ko and mas safe than getting held-up sa taxi bus or UV express or madukutan sa mrt. di bale ng 1.5 hrs travel time from QC to Makati basta gamit ko car ko. Kaya nga ako bumili ng car para di mag public transpo eh.

    tapos, ang hirap implement nyan, pag nagka hulian, saan mo papahintuin yung mga cars? sa EDSA mismo? eh di lalong traffic. yun motorsiklo lane, di na nga nasusunod eh, simple lang pero di pinapatupad. eto pang magulong number coding?

    another suggestion to the Brilliant Chairman: since you cant remove provincial bus terminals along EDSA, then you should forbid these provincial buses along EDSA from6-9 am and from 4-7PM. that will clearly clear up a bit EDSA and easy to implement.

    Gawin mo muna yung mga simpleng solutions na doable at saka ka na pumunta sa mga komplikadong coding.. tsaka ibuka mo naman bibig mo pag nagsasalita ka para maintindihan namin ibig mong sabihin. Ang GULO mo kasi.. Bumalik ka na lang kaya sa Tagaytay at ayusin mo traffic dun?
    Last edited by yourman_2nd; July 11th, 2013 at 01:09 PM.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #7
    bakit parating nag beautiful eyes si chairman tolentino pag na interview siya?

MMDA Chairman Tolentino's "brilliant" Ideas to Solve Traffic Problem in MM