New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 100
  1. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #1
    may pag asa pa kaya mag maneho yung ermats ko . 40 years old na siya . nag enroll na siya A1 driving school peru walang pa rin nangyare
    gusto ko sana turuan . kaya lang may nerbyos siya , peru kaya naman daw niya .. natatakot lang daw siya sa pag tancha.

    ito reason kaya gusto mo matuto ang ermats ko mag drive :
    bago kasi umalis ng pinas yung erpats ko last year nag decide siya ibenta lahat ng sasakyan namin , 2 oner jeep , sedan ko at adventure. hindi daw kasi nagagamit lahat sayang lang ang pag papa rehistro at hiramin ako nlang din naman ang nag mamaneho samin, para daw praktikal itong innova ang ipinalit niya , nung una ok sakin di naman din ako maarte at napilitan na rin ako i service sa school, ok din naman at matipid ito.. peru ng 2nd sem na , nakita ko kasi ang gaganda ng mga auto na naging classmate kaya parang na enganyo na ako at parang nahiya na ako i service sa school yung innova , kaya dun ko nalang sa tago nag park.
    balak ko mag benta ng relo para makabili kahit ae92 kaya lang baka hindi na ako ibili ng gamit ng erpats ko .

    ang naisip ko na lang talaga paraan turuan talaga si ermats . para may dahilan ako makapag pabili .lumipat naman na kami sa province at maluwag ang kalsada, may pag asa pa kaya siya makapag drive ? , turuan ko nalang or enroll nalang ulit sa driving school ?

    ot : kaya medyo bata pa parents ko maaga sila nag asawa

  2. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #2
    para sakin sir, wag na.. innova na lang service mo sa school. walang nakakahiya dyan. hindi practical e. at sabi mo may nerbyos, mahirap yan sir. may mga kamaganak akong ganyan, nerbyosa. lahat ng pwedeng negative maiisip nila. at once na makabangga yan or sagi man lang, takot na takot.

    yun ang sa family ko ah. kaya yan ang opinion ko

  3. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    293
    #3
    Based on your post, nagaaral ka pa at may mga classmate kang magaganda auto. Tapos porket Innova yung sayo parang nahihiya ka. Eto lang yan, sariling pera ba nila pinambili nila sa auto nila? Baka naman sa mga magulang din nila yun at nakikigamit lang sila. Antay antay lang bro, for me mas proud ako sa auto ko kung dugot pawis ko ang puhunan ko. Kahit anu pa yan

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,204
    #4
    1. Mahal sa A1. hanap ka ng mas mura.

    2. Kung magbebenta ka ng relo na kaya bumili ng oto, malamang sobrang mamahalin ang relo mo. Kung bigay yan ng magulang mo, magtatampo sayo yun kasi binenta mo. Di naman yan mga tipong g shock lang na di mapapansin kung di mo na ginagamit.

    3. Kung magdadagdag ka pa ng sasakyan, dagdag na rehistro na naman yan. Kaya binenta na yung ibang oto nyo para bawas gastos sa rehistro. sira na naman ang diskarte ng magulang mo.

    4. Wala namang nakakahiya sa innova. Bakit kailangan mong magtago ng parking?

    5. Pwede mo namang pagandahin yang innova.

    ano ba mga oto ng classmates mo?

  5. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    626
    #5
    Ok naman ang innova sir. Wala ka naman dapat ikahiya dun. Maski mamahaling kotse nasisira.
    Ano ba cars ng classmates mo sir? College? From what school?

    Sa school kasi namin, may mga lumang kotse din. Mga EK, lovelife, small body, etc. May naka volkswagen din pero restored.
    Pero halos lahat modelo ang sasakyan (2003 up). Mabibilingan lang din yung mga naka BMW, Merc, Jeep, Land Rover, Lexus
    Halos lahat naka "masa" cars.
    BTW, Im from _ _ _ _ Fill in the blanks nalang

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    17,070
    #6
    Quote Originally Posted by babynos01 View Post
    BTW, Im from _ _ _ _ Fill in the blanks nalang
    ACLC? Joke lang.

    BTT, hindi ko maintindihan anong nakakahiya sa Innova. I'm sorry but I find it so immature to worry about the car you bring to school. Lahat naman kayo galing lang sa magulang yang kotse na yan. Atsaka ang alam ko ang college para sa pag-aaral. Pake ko sa naka-isportz car, tatanga tanga naman.

    I also find it weird that you want to bring in your mom to the equation, when the real issue is your ego not being able to accept driving an Innova.

    Also, I don't see how an AE92 is any more respectable than an Innova. Certainly not by virtue of sheer monetary value, nor of speed.

  7. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #7
    Quote Originally Posted by dct View Post
    para sakin sir, wag na.. innova na lang service mo sa school. walang nakakahiya dyan. hindi practical e. at sabi mo may nerbyos, mahirap yan sir. may mga kamaganak akong ganyan, nerbyosa. lahat ng pwedeng negative maiisip nila. at once na makabangga yan or sagi man lang, takot na takot.

    yun ang sa family ko ah. kaya yan ang opinion ko
    yun nga sir minsan na ako aksidente. at nandun siya ng pang yayari na yun , at minsan muntik na rin siya maka tagis kaya natakot siya sa pag tancha , parang kinabahan na siya humawak ng manibela at kung ano ano iniisip, kaya parang nasayang yung pag enroll niya sa driving school . peru kapag tinatanong ko naman eh gusto naman daw niya .. kaya lang ayaw ko rin naman pilitin ,

    -lapella : yes bro , student palang din ako . , hiram ko lang din naman to peru minsan lang to sa isang taon maging family car ,kadalsan pang out of town lang kapag umuuwi , peru parang na inggit ako kaya titignan ko muna

    *robot sonic..,peru mas kadalasan mas natuto kasi kapag hindi driving school , alam kasi nila walang aalalay , mga honda FD tsikot nila peru tama ka bro baka ma dissapoint sakin yung erpats ko , kaya hingi muna ako advise dito sa tsikot .

  8. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    626
    #8
    *jut703 Iisang letra lang ang tama sir, mali pa yung pwesto

    Certainly, why would TS want an AE92 than an Innova? Is it that your classmates bring "porma" cars to school kaya ka affected?

    Well, lets just say iba iba tayo ng gusto. Maaaring asal "binata" pa yung mga classmates mo kaya sila naka porma cars. I have a lot of friends sa school na ganito. But I prefer something which is more "usable" when things go wrong or when you need it the most.

    Yea, I also bring my dads car to school. Kinda big para sa everyday driving pero it serves us better than sedans. Nahahatid ko yung mga chiks ko na friends kapag walang pasok siblings ko e

    But TS, why an AE92 than an Innova?

  9. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    17,070
    #9
    Quote Originally Posted by babynos01 View Post
    *jut703 Iisang letra lang ang tama sir, mali pa yung pwesto
    Hail to thee our alma mater, hail, hail, hail?

  10. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,335
    #10
    Quote Originally Posted by jrn29 View Post
    *robot sonic..,peru mas kadalasan mas natuto kasi kapag hindi driving school , alam kasi nila walang aalalay , mga honda FD tsikot nila peru tama ka bro baka ma dissapoint sakin yung erpats ko , kaya hingi muna ako advise dito sa tsikot .
    Seryoso FD palang na-intimidate ka na agad?

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
may pag asa pa ba maka pag drive ?