New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    12
    #1
    Hello Kind Sirs/Madams,

    While leaving the parking lot, i accidentally bumped in to the parked car near me. Madilim kasi black pa yun car hindi ko napansin.

    We went to the police station to file a Police Report.
    After the 2nd party (owner of the other car left), the police officer kept my License and said they need to confiscate it and give me a violation ticket.

    Ano po ang Violation ko pag may nabangga ako sa Parking Lot?
    and Magkano po ang Penalty na babayaran?

    sabi pa ng Pulis kailangan ko pa daw umattend ng Seminar.
    Thanks in Advance!

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #2

    Wala ka namang violation. Bakit kukunin ang lisensiya mo? Tsaka, wala nang kuhanan ng lisensiya ngayon... Nanggagatas iyang pulis na iyan... Ano ang pangalan at saang police station iyan?

    Accident report lang dapat. Amicable settlement ba?....

    11.0K:dunno:

  3. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    107
    #3
    Tingin ko ganyan na diskarte ng mga police ngayon. Before nung nabangga ako ng motor, kinuha license namin. tapos nung kukunin mo after ilang araw, hala 2k na hinihingi.

    Dapat pag banggaan, laging police report na lang or settlement na lang sa mismong accident site. call up your insurance if there is kung ok lang ung ganun para sa claim mo. Ganun na lagi ginagawa ko kesa makotongan pa sa police station.

  4. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    254
    #4
    maski yung mother ko nakabangga siya ng pajero kinuwa license niya ganun ata pag ikaw ang nakabangga, sabi nun nabangga niya akina license ko hindi ako yung nakabangga.

  5. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    12
    #5
    Mga Idol! Maraming Salamat sa mga reply, grabe kaya ang hirap na mag tiwala ngayon sa ibang tao.. kasi pati pulis mismo pinag sasamantalahan ka na...

  6. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    12
    #6
    Boss CVT.. Salamat!
    sa May Balintawak Traffic Police Station kami nag file ng Police Report.
    Inspector Policarpio po ang pangalan.

    May isa pa nga ako problema, kasi 10 PM kami nagka banggaan. Wala ng nag Nonotaryo. So nag bayad ako ng P400 (200 each) Notaryo para sa Nabangga ko.. at Notaryo para sakin...

    Hindi ko pa kinukuha sa Balintawak Station yun Notaryo, nung tumawag kasi ako sa Police Station sabi sakin ni Inspector Policarpio PHOTOCOPY lang daw ang ibibigay nila sakin,

    Binayaran ko notaryo tapos Photocopy lang ibibigay nila sakin? At BABAYARAN ko pa sa kanila yung pag papa PHOTOCOPY!, sa Police station daw dapat ang ORIGINAL. Ganun ba talaga mga bossing?


    At ano yung i-nonotaryo nila?
    Yung STATEMENT paper na sinagutan namin? or yung Police Report?
    yung statement paper, yung may tanong kung saan kami nabangga, pangalan, lugar.. etc. Baka kasi lokohin nanaman ako pag balik ko doon, maling papel ang ibigay sakin, ano po ba dapat kong kunin para ibigay sa Insurance Company?


    Maraming salamat sa pag reply!


    Quote Originally Posted by CVT View Post

    Wala ka namang violation. Bakit kukunin ang lisensiya mo? Tsaka, wala nang kuhanan ng lisensiya ngayon... Nanggagatas iyang pulis na iyan... Ano ang pangalan at saang police station iyan?

    Accident report lang dapat. Amicable settlement ba?....

    11.0K:dunno:

  7. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    12
    #7
    Good morning mga bossing,

    Sabi sakin sa kabilang forum okay lang daw Photocopy ang ibigay sa insurance.

    follow up question nalang mga sir...

    Question1: Okay lang ba na nakasulat sa Statement ko, insurance ko mag babayad pero ang mangyayari ako na mismo mag babayad? (akala ko kasi comprehensive insurance ko, hindi pala, kaya ako na mag babayad) kailangan pa ba gumawa ako ng bagong Statement?

    Question2: Tapos yung Statement namin kailangan pa ba ipa-notaryo? or Police Report lang ang kailangan may Notaryo?


    Salamat mga bossing!

  8. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    147
    #8
    Quote Originally Posted by juankidlat View Post
    Good morning mga bossing,

    Sabi sakin sa kabilang forum okay lang daw Photocopy ang ibigay sa insurance.

    follow up question nalang mga sir...

    Question1: Okay lang ba na nakasulat sa Statement ko, insurance ko mag babayad pero ang mangyayari ako na mismo mag babayad? (akala ko kasi comprehensive insurance ko, hindi pala, kaya ako na mag babayad) kailangan pa ba gumawa ako ng bagong Statement?

    Question2: Tapos yung Statement namin kailangan pa ba ipa-notaryo? or Police Report lang ang kailangan may Notaryo?


    Salamat mga bossing!
    Sir, since nabanggit mo na ikaw naman pala magbabayad ng damages and not your insurance, di mo na kailangan ang police report. Pwede na magusap na lang kayo ng kabangga mo then decide on the car shop na papagawan ng auto nya at ikaw na akng kakausap sa talyer for the bill.

Magkano Penalty pag nabangga sa Parking?