New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 36

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    5
    #1
    Pribadong sasakyan, uukitan ng plate numbers
    (Pilipino Star Ngayon Rose Tamayo-Tesoro)
    Tuesday, July 17, 2007

    Matapos na maisipang dikitan ng license sticker-plate ang mga motorcycle helmets, mga pribado at pampublikong sasakyan naman ngayon ang target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na ukitan din ng mga plate numbers kundi man sa mga salamin ay mismong sa magkabilang gilid ng katawan ng sasakyan upang pangontra na rin umano sa lumalalang krimen at carnapping sa Metro Manila at mga karatig pa nitong lugar.

    Sa panayam kay MMDA chairman Bayani Fernando, sinabi nito na magpupulong ang mga Metro Mayors ka*sama ang ilang opisyal ng PNP hinggil sa nasabing usapin para sa nakatakdang pag-apruba nito.

    Sinabi pa ni Fernando na ang naturang hakbang ay hindi lamang upang masugpo ang tumataas na kriminalidad gamit ang mga stolen vehicles o mga nakaw na sasakyan kundi isang epektibong paraan na rin umano para madaling matukoy at mahanap ang mga carnap vehicle.

    “Kapag naka-ukit kasi sa mga salamin o kaya sa kata*wan ng sasakyan ang mga plate numbers, bukod pa sa regular plate na nakakabit sa harapan at likuran nito ay madaling matukoy kung car*nap ba o hindi ang sasakyan dahil magiging kwestiyonable kung kiniskis o burado ang nakaukit na license number dito,” pahayag pa ni Fernando.

    Kapag natuloy umano ang nasabing hakbang ng MMDA ay madali ng makilala ang sasakyang gagamitin ng mga kriminal, makatakas man umano ang mga ito ay madali pa rin silang masundan at ma*tunton dahil sa mga nakaukit na license plate numbers na hindi basta-basta natatanggal o kayang palitan sa isang iglap hindi katulad ng mga regular license plate na nakakabit lamang sa harapan at likurang bahagi ng sasakyan.

    Samantala, nakatakda ng ipatupad ng MMDA sa loob ng linggong ito ang panghuhuli sa mga motorcycle owners na lalabas sa lansangan na walang nakakabit na sticker o license plate sa kanilang mga helmet matapos na maging ganap na batas ito na ipapairal sa Metro Manila nang sang-ayunan at lagdaan ito ng 17 Metro Mayors.



    here's the link:

    http://www.philstar.com/index.php?Me...aid=2007071661

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    well... the etching of plates to the windows of a vehicle is an old practice already of a few security-conscious vehicle owners.

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    800
    #3
    wag na.. di magandang idea..

    pero kung window etching ok lang..
    wag lang sa body..
    Last edited by funkngruvn; July 17th, 2007 at 02:16 PM.

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #4
    Window etching, I might be okay with it. Car body etching, no way. However, automobile windshields are fairly "cheap" these days, around 5-6K (replacement part). What then would prevent criminal elements from just buying a replacement windshield/mirror or to just look for other sneaky ways to replace the mirror/windshield of a carnapped vehicle?

    Just a thought: scenario-> what if after 2010, the opposition takes the reins of the government. Bayani Fernando gets sacked and most of his "laws"/decrees/projects gets reveresed. If this happens - and assuming that this plate etching proposal is in place - I bet a lot of vehicle owners would be cussing and fuming mad.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #5
    Not a good idea. Carnappers can easily roll down the windows to hide the etched plate number. And they can also put a sticker of another plate number on top of the 'etched' or painted plate number on the body.

  6. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #6
    if ever napa-implement to, for sure after a month or so meron nang counter-measures mga bad guys jan.

    Pero at least it's a step to lessen the crime rate in the metropolis.

    It's a step, not a solution.

  7. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #7
    Idiots....daming magaling na latero sa pinas.

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #8
    Well at least nobody can say that the MMDA and Bayani Fernando are not thinking of ways to help us keep our rides safe from criminals. Thing is, sometimes they think of outlandish ideas. But sometimes outlandish ideas work.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #9
    baka pink plates pa ang gusto ni bayani?

  10. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #10
    pag nangyari bibili na ako talaga ng vehicle wraps printer

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #11
    not a good idea

Pribadong sasakyan, uukitan ng plate numbers!!!