Meron bang exeption ng model year para sa emission testing? Kasi sa US, 1974 and below are exempt from this. Pero hindi rin pala uubra ang 1974 and below exception kse karamihan naman yata sa Pinas eh hindi papasa sa emission. At kung magbibigay po ako ng lagay sa emission tester, magkano po ang advisable na lagay sa kanila? Ayoko po kasi magbigay ng sobrang lagay, sana may standard din po kung magkano ang lagayan. Sabi nga po pala ng kaibigan ko na nagpa test..."mabait yung taong nag test, sinakal nya yung carb para pumasa kahit na hindi ko sinabi." Sa palagay nyo po ba eh magiging GREENER ang Pinas? Naku, kung dolyares lang ang ginagamit sa Pinas, masasabi kong "GREENER ang pocket ng mga ******-inang tester at LTO na yan." Marami din sa kaibigan ko ang nakapasa ng driving test dahil pre-filled na yung questionaire. All we have to do is write our name down. Teka, I'm sure alam nyo ito kse kayo din naman ang may pakana ng raket na to. Tax deductible ba ang mga lagay/kotong? Meron po bang quota ang mga MMDA sa lagay? Alam nyo, malaki ang kita ng MMDA na nasa field, hindi din kse reported sa income nila yun di ba? Alam nyo ba yung sa may katipunan from miriam turning left to cp garcia UP? meron guard house dun sa first gate, dalawang kupal na MMDA ang nagtatago dun. so ung mga disregarding red light huli! one time nga eh..around 5:30am..kalalabas lang ng araw..meron ng nangongotong dun..kotong zone talaga. If I were the Director of the MMDA or LTO, bawasan ng buwis ang mga kotong. Gawin na lang nating legal ang kotong, at least pwedeng bawasan yun ng TAX di ba? Oo nga pala, the bigger the fine by law sa violations, the bigger the kotong. Thought I'd let you know that. So, kung ako sa inyo, gawa pa kayo ng batas na mas malaki ang pataw na parusa para mas malaki ang kita sa kotong. Sana naman wag na kayo magtataka sa mga aksidenteng nangyayari sa Pinas. Hindi po iyon dahil sa FULL MOON at malakas ang hatak ng Magnetic forces, wag po kayong magpapa paniwala sa ibang mga napapanood nyo sa Knowledge is Power. Ang dahilan po ng aksidente ay dahil na rin sa kapabayaan ng LTO. Ipinapasa ang mga hindi marunong bumasa ng road signs. Nakita nyo ba yung TV Series na "KLASMEYTS?" merong portion si TADO doon na tinatanong nya ang mga drivers kung ano ang ibig sabihin ng mga Road signs. Wala pong maisagot ang mga drivers. Tawa po ako ng tawa hindi dahil mali ang mga sagot ng mga drivers. Dahilan po ng aking pag tawa ang LTO, dahil sila mismo ang nag conduct ng testing para magka drivers license ang mga driver. Hindi ko din po alam kung ma-aawa or matatawa ako sa mga drivers or LTO. Sana naman eh paki eduka ang mga nag te-test na drivers at wag lang bigyan ng bigyan ng license ang mga yon.

Anyway, mabuhay po kayo at sana ay pagibayuhin nyo ang pa-ngongotong. Pwedeng minsan, paki ambunan ng barya ang mga mahihirap na tao sa squatters area?