Just got back from 2 hours of driving lesson at night. Parang pareho lang, nakakasilaw lang lalo pag naka-HID kasalubong mo.
Question mga boss: Totoo bang bawal sa EDSA ang student driver? Ayaw ako dalhin ng Socialites sa EDSA dahil mahuhuli raw sila.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
dun sa pag apak by accident sa gas instead of break.. gamayan lang.. nung nag ddriving skul pako paiba iba yung gamit namin kotse.. sanayan lang tlga.. cant wait for my drivers license![]()
Tapos na 10 hours ko sa driving school. Parang ayoko pag-praktisan 'yung SUV na balak ko bilhin, baka sumabit. Haha. Watchathink mga boss.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
Wala ako problema sa maluwag. Nagwo-worry ako sa masisikip. Example sa Laloma/Banaue area maraming naka-double parking at feeling ko sasabit pag may kasalubong ako. Sabi ng bayaw ko pwede ako maghintay sa bukana at wag sumalubong kung di pa sanay.
At ang hirap ng parking. Haha. Di magaling magturo instructor ko, nakisakay lang at puro senyas ng kamay ginagawa kaya nagbabasa ako at nanunuod ng video sa YouTube, otherwise sayang. Baka kung mag-enroll ulit ako, sa ibang driving school na kahit medyo mahal, which means P11,500. Watchathink.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
*pipefish
sir sa tingin ko praktis nlng kailangan mo.
me too enrolled in a 10hr driving course. limited rin tlga matutunan mo.. depende sa instructor kaya ako i asked alot of questions kasi minsan hindi sila proactive mag turo. usually yung confidence on the road and decision making ang makukuha sa driving school... they want to see how you will react to certain scenarios na ma encounter mo while driving.
if you already have a car, then go ahead and drive it, make sure may kasama kang may license.. thats what im doin right now. yung kasama ko nga hindi nag driving school so i can see the difference ng aggressive and defensive driver
reading articles and watching videos does help, then apply mo on the road. if you don't have a car yet, get one and dont be afraid to drive it
may share ako regarding sabit-sabit, one of my instructor told me that adjustments should be made on your left side since dun ka nakaupo.. if sagad sagad na sa kaliwa, then chances are baka maluwag na sa kanan. also, its good to give way specially kung hindi mo sigurado kung sasabit or not![]()
Ako nga 15-hr course at matic pa ang kotse kinakabahan pa din eh. Eto yung list of "scares" na nangyari saken during my 15-hour course spread over three weeks:
- muntik nang sumabit yung right side mirror sa nakapark na trak sa isang masikip na two-way road sa pasig. kung hindi lang biglang kinabig nung instructor pakaliwa yung manibela, baka natanggal na yung side mirror nung minamaneho ko.
- natapakan ko yung gas imbis na yung brake. eto yung malupit na nakakatakot.
- dirediretso akong sumalubong sa merging traffic. biglang napa-handbrake yung instructor ko. in fairness, nawala lang kasi ako sa focus kasi may napindot ako sa manibela na controls nung radyo. lol. kaya nawala sa isip kong mag-signal at tumingin sa paparating na mga sasakyan.
yung ibang mali ko mas minor, tipong:
- nakikipaggitgitan sa jeep tapos hindi alam na sobrang lapit na nung jeep / babangga na (more practice sa spacing)
- wrong turning. imbis na lumiko to the inner lane, dalawa o tatlong lane ata yung sinakop ko sa C5 nung lumiko ako. lol. (more practice sa turning)
pero nangyari to nung bandang simula nung lessons. more or less na-correct naman.
although may tendency daw ako na kapag may nakitang alanganin o sumasalubong, umiiwas ako. di daw dapat ganun. ang first option daw lagi is to slow down. so yung siguro #1 kong kelangan ayusin sa pagmamaneho.
dapat talaga pag beginner ka e focus sa pagda-drive... anticipate mo lahat ng nakapaligid sayo.. even yung car sa unahan ng sinusundan mo dapat i-anticipate mo din... saka wag matakot, may preno naman... pero syempre dapat alam mo kung saan yung preno and gas. saka dapat relax lang ang hawak sa manibela, wag yung sobra higpit...
Goodluck sir if you drive in Edsa, ingat lang sa mga bus. Pag sa Recto area naman, mga jeep at trike naman ang problema mo.
Nashimoto at valacirca, salamat sa pagbahagi ng experiences n'yo.
Isa lang naman medyo iskeyri na experience ko -- kinabig palayo ng instructor 'yung manibela dahil tatama na raw sa softdrink truck 'yung right side. :-$
Medyo madali ko naman natutunan 'yung pedals, iniisip ko lang nagpa-piano ako sa paa. Haha. Piyanista kasi ako.
'Yung sa turning, nag-check ako ng videos sa YouTube -- hindi rin kasi tinuro ng instructor na sa left turn halimbawa, hindi dapat mag-turn agad para di sumagi kung may kotse on your left sa lane na papasukan mo.
Tapos 'yung instructor naalala ko three times during the course sabi nang sabi ng "Gas, gas," eh ayoko tapakan 'yung gas dahil sabi ko "Pa'no ko tatapakan 'yung gas eh may taong nakabalandra sa harap!" Haha.
Tapos 'yung isang instance naman ang utos "Gas, gas," eh ayokong mag-gas dahil may kotseng patawid na gusto ko na pagbigyan. Tapos naalala ko rin nagutos ng "Gas, gas," sabay bawi ng "Wag muna, wag muna," tapos "Gas, gas" na naman! Minsan you need to use your common sense pag mukhang nililito ka ng instructor mo or siya mismo nalilito na. Haha.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
Tapos hinahatid ako sa bahay pagkatapos ng lesson since 4 or 5 blocks away lang from the driving school. Kung humarurot ang instructor, kala mo may karera.
Nung last na hatid saken biglang humarurot at nag-overtake sa kanan, biglang may tumatawid pala na clueless sa mundo, shempre sabay biglang preno si instructor. Sabay hirit: "Kaya kampante ako sa autong ito, ang lakas ng preno!" Dead-ma lang ako pero sa isip-isip ko -- tsk, tsk, tsk.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
At nung natapos na 10 hours ko, sabay hirit ng : "Mag-enroll ka uli ng 5 hours siguro, tapos manual naman. Kulang ang 10 hours." Gusto ko sabihin, kung kulang man at mage-enroll ulit ako, di na ikaw instructor ko. Pero as a whole mabait naman.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
hehe.. feeling ko dapat nagpapalit ka ng instructor! nung first day ko i felt na yung binayad ko was not worth it! kasi naman ang sungit at hind friendly.. teacher din kasi ako kaya i was able to compare yung teaching style nya sa akin.. and also im paying him for him to teach me so dapat gawin nya yun ng tama. so what i did sinabi ko sa ofis nila na sana next class iba na... ayun! yung mga sumunod ok na.. dami ko natutunanalthough im not judginh the first instructor ha.. kasi siya lang ang nagdala sakin sa slex.. sabi nung ibang instructor swerte daw ako kasi hindi nila ginagawa yun.. pero overall dapat yung experince mo during the driving school is worth it.. hindi biro magbayad ng malaking amount noh?! it all boils down to being professional sa trabaho.
and the fact na ni advice ka nya na mag enroll ulit... hmmm... it also reflects sa pagtuturo nya yun.
just my 2 centspractice... you already know what to do.. go ahead and do it
![]()
Isa pang nakaka-kaba eh yung mahulihan ng traffic violation O_O di ko pa alam kung paano ihandle yon.
(pero nakapagdrive na ako. pasig <-> fort <-> makati during morning and evening rush. hehe. ok naman so far.)