New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    NAGING palaisipan sa pulisya ang pagkamatay ng isang 46-anyos na license examiner ng Land Transportation Office (LTO) na natagpuang duguan at may tama ng bala sa sintido kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

    Inaalam pa ng mga awtoridad kung nagpatiwakal o aksidenteng nakalabit ng biktimang si Noel Baliling, may-asawa, ang kanyang kalibre .38 baril nang matagpuang sa loob ng silid ng kanilang bahay sa 83 Boracay St., Camella Homes, Barangay Poblacion, Muntinlupa City dakong alas-7:30 ng umaga.

    Tinangka pang isugod ng kanyang mga kapatid na si Dennis ang biktima sa Muntinlupa Medical Center subalit patay na nang idating ito sa naturang pagamutan.

    Napag-alaman na bago nangyari ang insidente, nakita pa ng kanyang kapatid na naglilinis ng baril ang biktima sa loob ng kanyang silid hanggang sa umalingawngaw ang isang putok.

    Wala umanong alam na dahilan ang mga kaanak ng biktima para ito magpakamatay kaya't posibleng aksidenteng nakalabit nito ang nililinis na baril kung saan tumama ang bala sa kanyang sintido.
    ************************************************** ********baka inunahan na niya sarili niya baka kasi sabit siya sa malaking anomalya sa LTO ngayon or
    aksidente talaga nakalabit at tinamaan ang ulo

  2. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #2
    Wala yatang koneksyon ang license examiner sa car registration, tama ba? Baka nagpakamatay ito talaga. Kung aksidente yan hindi sa sentido.

  3. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #3
    psychological question: when you're cleaning gun or touching/caressing your gun, do you sometimes feel the urge to point the gun at your head?


    I had 2 classmates before na ganito ang nangyari. naglinis ng baril ang tatay nila mag-isa sa isang lugar or kwarto tapos aabutan nila may tama ng bala sa ulo. pero wala naman sila problema sa buhay, may kaya pa nga.

Examiner ng LTO nagbaril sa ulo