Delinquent yun license ko. Pero I think more than 10 years nko hindi nagrerenew at nawala na rin yun license card ko. Gusto ko ngayon kumuha. Ano kaya procedure ko? Kukuha na ba ako ng student permit uli? O magrerenew lang ako as delinquent? ANswer me people.
Importante na malaman mo kung ano yung old license number mo. Kung magbabayad ka sa fixer, hindi mo na kailangan dumaan sa Student Permit ulit. I-re-renew nila yung lisensya mo using your old license number.
Yung tatay ko more than 10 years ng deliquent, na-renew yung lisensya niya in 3 days matapos siyang magbayad sa fixer. Yun nga lang hindi mo pwedeng dayain yung proseso sa computer kaya kailangan kang kumuha ng exam ulit. Pero since nagbayad ka na sa fixer, may mag-aasikaso na sayo hanggang matapos ka at makuha yung license mo. Kailangan mo lang picture-taking, urine test, saka written exam (may sagot na). Pumunta ka ng maaga. Dapat before 7 AM nandun ka na sa LTO kasi may cut-off sila. Pag hindi ka umabot sa cut-off, pauuwiin ka na. Minsan wala pang 9 AM cut-off na sila sa dami ng applicants.
Kung gusto mong malinis ang kunsensiya mo, wag ka nang magbayad sa fixer. Madali naman yung exam. Yun nga lang, minsan kapag mahina ang delihensya nung mga LTO, pahihirapan ka nila sa Practical Exam, yung tipong napaka-imposibleng parallel parking ang ipapagawa sayo para bumagsak ka at mapilitan kang mag-bayad na lang ng lagay para pumasa.