New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 50
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    100
    #1
    13 years na kami dito sa inuupahan namin apartment.kelan lang dumadami na sasakyan dito samin.may mga bagong tao na may mga sasakyan.kaya nadadagdagan kaagaw ng parkingan dito samin.meron ako pinaparkan dito malapit samin mga 5years na pero hindi sa tapat namin.ok naman sa may ari ng bahay.hanggang dumadami na umaagaw sakin dun pero wala naman ako karapatan ipagbawal kasi hindi ko naman tapat.pag may nauuna sakin dun,pumupunta ako sa tapat ng isang bahay din na malapit lang dito samin pero may nagpapark dun na hindi din niya tapat.medyo malayo konti bahay nya.aba napakasuwapang.pinapaalis ba naman mga nagpapark.wala din siya karapatan kasi hindi niya tapat.minsan nga din nagpapark siya sa pinaparkan ko,kaya noon ako nagpark dun sa kanya at papaalisin ako,nag away kami.hehe!kaya uso double parking dito street namin pero nagkakasya naman mga dumadaan sasakyan.

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    652
    #2
    Quote Originally Posted by Nuebe Siete View Post

    Sa pagkakaintindi ki lang, really kahit sa tapat mismo ng bahay o apartment mo, la ka karapatang solohin ang parkingan na iyan. kalsada yan at pag-aari iyan ng gobyerno. kaya lang mga motorista sumasang-ayon na lang dahil sa common understanding. Parang unwritten rule ito na you have the right mag park sa tapat ng bahay mo (ayon sa kapwa mo motorista).
    Me nangayri na sa akin na I challenged the security guard of a bank ng pinagbawalan nya ako mag park dahil parkingan daw iyon ng bank manager ng banko (side walk, not actually on the street). I just politely asked the guard to show me the proof na ang manager ng banko ang me ari ng side walk na iyon and I'll move my car off.
    and by the way, by double parking, pinapahirapan nyo lang ang kapwa nyo motorista. Kahit maka da-an naman sila pero just think of the unncessary difficulties they have to undergo just in order to pass.
    Last edited by burjegol; May 22nd, 2011 at 08:41 AM.

  3. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    100
    #3
    *burjegol yup ang street ay public place at wala karapatan ipagbawal at nasa batas din yata yan pero alam mo na mga tao ngayon pag tapat mo,pagmamay ari mo na.
    Bawal din ang double parking talaga pero sabi ko nga gaya dito street namin wala gusto patalo.e wala ka na mapaparkan kung hindi ka magdodobol parking.yun mga bagong lipat dito ang matitigas pa.saka ang pagkakaalam ng iba lalo na pag sa mga maliliit na kalye ay wala ng batas na susundin dun.Hindi mo na din masisisi minsan mga motorista.basta ang importante na magkakasya ang sasakyan kahit mahirapan.wag lang yun hindi na talaga magkakasya.Yun mga ibang street dito malapit samin,talagang hindi na magkasya sasakyan,tatawagin mo pa may ari pero hindi sila lumalabas kaya wala na magagawa kundi iatras nalang.

  4. Join Date
    May 2011
    Posts
    99
    #4
    Ang problema kasi people lack courtesy and goodwill nowadays. May new neighbor kami dati na ang hilig magpark sa side directly across our gate kahit napaka laki at dami naman ng ibang side where he can park without bothering anyone. Ang hirap mag maneouvre dahil sa ginagawa niya! May PUNO kasi na malaki and he wants shade for his car. No use talking to these people.

  5. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    100
    #5
    Quote Originally Posted by sugarkane View Post
    Ang problema kasi people lack courtesy and goodwill nowadays. May new neighbor kami dati na ang hilig magpark sa side directly across our gate kahit napaka laki at dami naman ng ibang side where he can park without bothering anyone. Ang hirap mag maneouvre dahil sa ginagawa niya! May PUNO kasi na malaki and he wants shade for his car. No use talking to these people.
    Meron din dito samin na may parkingan bahay nila sa loob pero sa labas nila sa tapat nila may space na magkakasya sasakyan na wala naman mabablock sa kanilang gate.bago car ng may bahay at 1st time din magdrive.pag may nakapark sa tapat nila hirap na hirap siya ipasok at ilabas.ang ginawa na niya nilagyan na niya ng sign board sa tapat na no parking pero may nagpapark pa din.pinintahan nya ng malaki sa bakod at kalsada mismo ng no parking pero may nagpapark pa din.sa ngayon hinahayaan nalang niya.meron din bahay dito na ayaw nya magpapark,nilalagyan nya harang sa tapat nila.yun mga may bahay dito na wala sasakyan may nakalagay na sa tapat nila no parking pero may nagpapark pa din.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #6
    Kung walang parking huwag na kadu bumili ng kotse

  7. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #7
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Kung walang parking huwag na kadu bumili ng kotse
    what's kadu ?

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #8
    Quote Originally Posted by renzo_d10

    what's kadu ?
    Kasi, nag automatic pag iPhone.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    ahahaha. autofill. :rofl01:

  10. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    424
    #10
    Useful ang screwdriver or susi nang oto mo pag ganyan. lol JK.. Buti nalang dito sa apartment namen nang barkada ko, alam na nang mga tao san sila magpapark.. nakakainis lang pag nakapark ka sa daan eh,, takaw gasgas and trip ehe

  11. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #11

    Palagi. Maraming istorya ako rito...

    Dahil maraming mga tao na walang konsiderasyon. Tapat na ng garahe mo,- pinaparadahan pa rin, kahit na masikip na ang kalye.

    It is a public place, yes. So let's agree not to use the space, if it inconveniences somebody.... Bear in mind that your neighbor has invested his land and built a structure for his garage.

    Respeto mo na lang(dahil ikaw ay wala namang garahe) na hindi harangan ang kanyang garahe o paradahan sa tapat...

    13.1K:bike:

  12. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #12
    Quote Originally Posted by silverworx View Post
    Useful ang screwdriver or susi nang oto mo pag ganyan. lol JK.. Buti nalang dito sa apartment namen nang barkada ko, alam na nang mga tao san sila magpapark.. nakakainis lang pag nakapark ka sa daan eh,, takaw gasgas and trip ehe

    Ang masama pa niyan,- iyon pang na-'inconvenient' mong kapitbahay ang una mong suspect sa mga ganyang pangyayari.

    Grabe talaga ano?,- ikaw na ang naabala,- ikaw pa ang primera unong suspetsang na may kasalanan kapag may nangyari sa sasakyan na pumarada sa tapat mo....

    13.1K:bike:

  13. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #13
    dito sa lugar ko halos araw-araw mawawalan ka ng dugo sa kasasaway sa bugok na pumaparada.
    hindi nga haharangan yung garahe mo, yung gate naman ng pantao ang paparadahan. buset talaga!

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #14
    Dami talagang bugoy. Usually pa yung nanggugulo ay yung mga bagong lipat.

    Buti sa subdivision namin, may no overnight parking ruling on the road which is strictly followed (unfortunately, except sa street namin which had smaller lots and was just added later on). Yung iba naman, buy adjacent or nearby lots and build garages just for their cars (dream ko yun actually, empty lot with lanai, garden and nice garage).

    Kaya pag nagpagawa na ako ng house later on, provision ko is for 5-6 cars parking.

  15. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    627
    #15
    di pa naman umaabot sa away talaga.

    pero i had some close calls.

    tinatawag ko na lang sa village security para sila na lang ang sumita sa mga bobo at makakapal ang mukhang na mga ganyan

  16. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #16
    sa street namin sa village hindi pa naman although medyo inconsiderate iyong neighbor namin sa tapat. buti na lang malapad ang kalye namin sa village

    mas magka-prob pa siguro sa parking slot namin sa condo. there are ignorant fools in the condo where we have a unit and i won't be surprised if someone parks in our slot again

  17. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #17
    hindi naman sa nakipagaway... nakiusap lang.

    sa kabilang house ng parents ko, parking sa mismong driveway. they dont use the garage for parking, instead ginawang parang lanai na may maliit na golf putting area. pangasar but cant argue with them kasi neighbors pa rin and mahirap may kaaway sa mga kapitbahay.

  18. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #18
    yep! sa farm usually.... meron malapit na makeshift na sabungan, madalas dinadayo. Yun iba kasi ayaw magbayad dun sa mga nagpapaparking. so dun pinaparada sa tapat ng bahay. ok lang sana paradahan since mahaba naman yun harapan namin... kaso yun iba eh kupal talaga at dun pa sa tapat ng gate pinaparada. sa kipot ng kalye dun eh hindi na talaga makakalabas yun sasakyan sa garahe....

    pinasingaw ko yun 2 gulong nung taxi na pumarada, aba eh 2 oras na hindi pa ko makaalis! nung bumalik aba eh siya pa may gana magalit! nilabas ko nga yun m4...... after nun wala na pumarada! ang hirap kasi sa iba kelangan mo pa takutin para maintindihan... tagal ko na kinausap yun nag-aayos ng parking dun eh paulit-ulit. pwede naman magparada wag lang dun sa exaktong gate mismo!

    a piece of advice sa mga walang garahe, make sure naman na kapag pumarada kayo eh wala kayong maaabala na ibang sasakyan lalo na yun bahay at yun katapat na paparadahan ninyo. Dun naman sa dumadayo sa mga sabungan eh wag naman magtipid sa pagbayad ng parking! nagsasabong nga kayo pero ayaw ninyo magbayad ng parking at mang-iistorbo kayo ng garahe!

  19. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    340
    #19
    suggestion lang dun naglalagay ng no parking. nabasa ko narin dati sa lumang thread. try nyo naman ilagay Pay Parking.

  20. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    627
    #20
    Quote Originally Posted by badsekktor View Post
    a piece of advice sa mga walang garahe, make sure naman na kapag pumarada kayo eh wala kayong maaabala na ibang sasakyan lalo na yun bahay at yun katapat na paparadahan ninyo. Dun naman sa dumadayo sa mga sabungan eh wag naman magtipid sa pagbayad ng parking! nagsasabong nga kayo pero ayaw ninyo magbayad ng parking at mang-iistorbo kayo ng garahe!
    sa kin bro, dapat eh kung walang garahe, wag bumili ng sasakyan. (gaya ng sabi ni bro.shadow)

    dapat eh magkaroon ng batas na ganyan kesa kung anu-anong walang kwentang batas ang ginagawa ng mga pulitiko natin.

Page 1 of 3 123 LastLast
Nakipag-away ka na ba dahil sa parking sa street nyo?