New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    1
    #1
    Tanong lang po, may kapitbahay po kami sa Subdibisyon na may Delivery Trucks Business, ang problema po namin sa kanila ay ang paglilinis nila ng tambutso ng mga truck nila. Araw-araw na lang po ay nagre-rev sila ng trucks nila at bumubulusok ang usok at maitim na residue mula sa tambutso ng trucks. Nakiusap na kami na sana naman ay huwag iharap ang puwitan ng trucks nila patungo sa harap ng bahay namin pero ini-ignore lang kami. Nagwo-worry kami sa na baka maka-apekto sa health namin lalo na sa mga bata ang usok nila at baka ma Carbon Monoxide Poisoning kami. Ang bahay ng kapit bahay namin na may trucks ay same side ng kalsada ng bahay namin at isang bahay lang ang pagitan mula sa amin.

    Puwede ba namin makasuhan ang kapitbahay namin kung hindi mapaki-usapan? Literally ho araw-araw silang nagre-rev. Ang ibang kapitbahay namin around sa kanila ay kasosyo sa negosyo or nakikipagtrabaho sa kanila kaya 'No Say' sila.

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,204
    #2
    Kausapin mo sir yung officers ng home owner's association. kung walang mangyari, sa barangay. kung wala pa rin, abogado na siguro. Palagay ko naman may kaso kayo.

    Walang pinagkaiba yan sa mga may babuyan sa likod ng bahay. Pwede ireklamo.

  3. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    716
    #3
    sa baranggay na yan meron kayong katwiran magreklamo at masama sa environment yung ginagawa nila. dito sa subdivision namin yun ang advise nung administrator sa baranggay na daw ireklamo lalo na may kinalaman sa environment.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    33,582
    #4
    pumunta ka sa cityhall, tanong mo yun zoning, BTW taga saan ka ba? bakit meron delivery trucks sa subdivision?

  5. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    292
    #5
    Problema talaga yang mga kapitbahay na maliliit ang UTAK.. samin naman sa harap ng bahay namin may isang Catering na walang pakialam... madaling araw nag kakarga sila ng gamit nila sa truck ang iingay sobra madaling araw pa ha.. isa pa gumagawa sila ng mga bago upuan nila at mga table sobrang ingay at lahat ng alikabok samin napupunta...

    mdeyo OT pero nakakainis talaga.. ang tao nga naman...

  6. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    605
    #6
    Go to the Barangay to complain. Have them talk to the assholes to remove their truck.

  7. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    6
    #7
    karamihan sa mga barangay may tong na tinatanggap. in the very first place how come nakakapagoperate sa loob ng subdivision mga trucking companies eh may ordinance na bawal sa residential subdivision!

  8. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    420
    #8
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    pumunta ka sa cityhall, tanong mo yun zoning, BTW taga saan ka ba? bakit meron delivery trucks sa subdivision?
    +1 bakit nga ba meron? diba bawal mga ganyan , dito samin nilagay talaga sa homeowners rules.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,656
    #9
    Sumbong mo na sa authorities. Bawal yan, bastusan na e'.

  10. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    1
    #10
    These inconsiderate neighbors are in violation of the REPUBLIC ACT 8749 which is the PHILIPPINE CLEAN AIR ACT OF 1999. You have all the right to contest their wrong doing.

    Go to your Homeowners Association Office and ask for a copy of your Subdivision Bylaws to check if operating a Delivery Truck Service is stated as one of the DON'TS or CANNOT DO, if so, then they are disregarding the R.A. 8749 and the Subdivision's BYLAWS.

    I hope this info can help, good luck.

Page 1 of 2 12 LastLast
Cargo Trucks Ng Kapitbahay Sa Subdivision