
Originally Posted by
Wishing
Pano na talaga uunlad ang Pilipinas? Para po matapos na ang lahat at para sa lahat na hindi nakakaintindi.
Kapag ikaw ay papasok sa isang private na lugar, maging residential subdivision man yan o industrial subdivision o isang private compound like corporations, companies, factories, manufacturing plants, etc. basta guarded, talagang hihingan ka ng identification. Ngayon, dalawang bagay lang yan. Una, kapag walk-in ka lang natural hihingi sila ng I.D. at hanggat maaari ay Gov't. issued na I.D. Hindi ka awtomatikong hihingan ng D.L. kasi malay ba nila kung nagmamaneho ka o hindi? Pangalawa, kapag dumating ka dun sa lugar na may minamanehong sasakyan, kotse o motor o truck o kahit ano pa basta motorized, it's just common sense na dapat may bitbit ka din na D.L. So it's only common sense na yun ang meron ka na maiaabot kasi nga kakambal mo yun sa pagmamaneho. So hindi na sila magpapakahirap pa na maghingi ng SSS o GSIS o Passport o voter's o Pag-ibig o kung ano ano pa kasi tatagal pa at hindi mo din naman talaga laging bitbit ang mga yun (kasi alam naman natin na kapag nawala natin yun ay napakahirap kumuha ng kapalit). Uulitin ko, sentido comun lang, basta driver meron driver's license. So wala ka dapat palusot sa SG na "sorry po hindi ko po dala" or "ay sir wala po ako nyan".
Ang bottomline lang po ay kailangan mo mag iwan ng identification para lang ma-i-record nila yung oras ng pagpasok at paglabas mo sa compound nila para sa ganun, kung meron man hindi magandang mangyari sa loob ng bakuran nila, malalaman nila kung sino ang possible na may kagagawan dahil alam nila kung sino ang mga bisita na nasa loob nung mga oras na yun.
Kung ikaw ay malasin at maaksidente sa loob ng subdivision, hindi ka makakasuhan ng driving with no license kasi you have a license. Kapag hinanap license mo, tatawagin lang nila yung SG sa gate para sa D.L. mo para makuha yung detalye ng pagkakakilanlan mo. Lastly, kapag palabas ka na ng compound nila at iabot na ulit yung I.D., ugaliin mo na i-check kung tama nga na yun yung I.D. mo. Simple lang diba.
Tandaan nyo lang ang golden rule, hindi ito yung "he who has the gold makes the rule". Ang golden rule sa lahat ng mga guarded entrances ay "No I.D. - No Entry" at karapatan nila yan dahil bakuran nila yan. Ikaw ba papayag magpapasok sa bahay mo ng kung sino-sino na lang?