Di naman kaya pinakita niya sa'yo na kunwari 1k ang naka-set na ikakarga niya pero nung tumalikod ka eh kinancel niya yung 1k then pinindot niya yung 700. Tapos nung nagauto shut off na nagtry siyang iset uli yung 1000 sa pump para pag tinignan mo yung pump makikita mo na nakalagay 1000 pesos kaya aakalain mong 1000 naikarga sayo. So sa kanya na yung 300 kung hindi ka hihingi ng resibo or hindi mo sisiyasatin kung bakit mabilis natapos. Ang labo lang kase na sa umpisa ilalagay niya 1k then titigil sa 700. And what is the purpose of setting the pump again for another 1000 kung 300 na lang ang kulang para maging 1k ang total.