
Originally Posted by
timtonymanu
Nabasa ko itong thread kaya may naalala ako..
Worst parking - UST, yung malapit sa hospital. As in sobrang mahal, nung naka-confine father ko that time (10 years ago) parang 240 per day (overnight) ang binabayaran namin for parking, eh more than 1 month doon father ko kaya after almost two weeks sabi nya sa akin "i-uwi mo na lang sa probinsya yung sasakyan, mas mura pa mag gas at toll fee kesa mag-park dito".
Ang argument ko nga sa kanila eh dapat kapag kotse ng pasyente yung naka park, kahit minimal rate lang, parang st lukes at that time, pag naka-confine ang pasyente 40 pesos lang overnight parking.
And to think na Catholic Hospital pa ang UST, nasaan ang sense of charity?
Ewan ko lang ngayon kung ganoon pa din. Kasi may nabalitaan din ako noon na nareklamo pa sa diretso sa Vatican yang UST dahil sa sobrang mahal ng parking, hehe.