Okay, talagang suspended nga po ang coding scheme sa Baguio. Paalala lang po sa mga aakyat, kung sa araw po kayo magpupunta, iwasan na ninyo ang Urdaneta dahil sa ginagawang kalsada, sobra po ang traffic doon. Kung sa gabi ang akyat nyo okay lang dahil less traffic, yong nga lang talagang bugbog ang sasakyan nyo dahil sa sobrang sama ng daan. Mas makakabuti na dumaan na lang kayo sa alternater route sa Asingan para di maabala at tuloy tuloy ang biyahe. Okay na ang lamig ngayong sa Baguio medyo makakapagsuot na kayo ng makapal kapal na jacket. At mahal pa ang strawberry, FYI.