New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 58
  1. Join Date
    Feb 2017
    Posts
    210
    #1
    Please see video.

    Ayaw lang bang sumunod sa batas ng mga Grab Partners?
    Scenario :
    Owner-Driven GrabCar = Driver is the operator
    LOWER MIDDLE CLASS

    BANK CONFORMITY aka "pahirap requirement"
    Ang Grab Operator na may isang GrabCar lamang ang lubos nahihirapan kumuha ng bank conformity dahil karamihan sa kanila ay ordinaryong empleyado lang na humahanap ng extra income. In other words, hindi sila mayaman at karamihan ay binabayaran pa nila ang kotseng ginagamit pang Grab.

    Nagbabayad sila ng monthly amortization around 15,000 - 20,000 habang pinapasada ang GrabCar at kailangan din gastusan ang maintenance katulad ng change oil, gulong, brakes at marami pang iba at katulad ng ordinaryong empleyado may bills din sila na kailangan bayaran like Meralco, tubig, pagkaen at bahay, mas malaki pa ang expenses ng may nag aaral na anak.

    Ang sasakyan nila ay "private owned" vehicle na alaga nila pero handang gamitin para mag public service para sa extra income.

    PAGKUHA NG BANK CONFORMITY
    Bago ka makakuha ng bank conformity bukod sa primary requirements:

    1) kailangan gumastos ng
    10,000 - 30,000 for amendment and notarial fee (depende sa banko)

    2) shortening of loan term (ex. from 5 years to 3 years) kung saan tataas ang monthly amortization with higher bank interest rate

    3) more expensive insurance rate dahil convertion from "private owned" to "for hire"

    Hindi po talaga kakayanin yan at mas hindi sila makakabayad.

    SIMULA NG "PAHIRAP POLICY"
    (see video)

    Ayon sa Senate hearing, nagsimula sa multiple unit per partner ang problema,
    dahil dito nawala ang spirit of Ridesharing na makakatulong sana sa traffic, ideally
    dapat ay 1 Grab Operator : 1 GrabCar lamang dahil kung 1 Grab Operator : Multiple GrabCar ito ay wala na ding pinagkaiba sa pagiging taxi fleet.

    Sa video, inamin ni Brian Cu na may Grab Operator na may 70 units sa Grab platform
    kaya naman itinulad ng LTFRB sa taxi ang requirements ng lahat ng TNVS dahil nagreklamo ang ibang denominasyon pagdating sa usapang 'fairness' sa regulasyon na bakit daw sila bago makakuha ng prangkisa ang daming hinihinging requirements.

    Dahil dito, linimitahan sa max 3 unit per operator nalang. MC 2017-032

    Sa aking palagay ay dapat tanggalin ang bank conformity sa requirements ng mga Owner-Driven GrabCar para manumbalik ang spirit of Ridesharing para mahikayat ulit mag drive ang ilang Owner-Driven GrabCar.

    Masaayos sana ito para makamit ang full potential ng Grab platform for the betterment of everyone.

    Mahirap iregulate ang TNVS as a whole kaya dapat himayin natin ang problema, umpisahan natin iresolve sa Grab Operator na may isang GrabCar lamang dahil sila ang labis na naapektuhan ng "pahirap requirement" pero sila naman ang orihinal na meaning ng Ridesharing.

    Ayaw lang bang sumunod sa batas ng mga Grab Partners?

    SAGOT: Kami ay nagsusumikap at ginawa namin lahat upang makacomply sa requirements. Hindi kami nag iinarte o ayaw magpasakop sa gobyerno. Sadyang napaka hirap at dagdag gastusin ang gusto ng LTFRB at HINDI ITO PATAS.

    This post aims to help LTFRB to REGULATE and not to OVER REGULATE TNVS.

    Napaka importante ng linalaman nitong post please SHARE.
    In God we trust.

    Ayaw lang bang sumunod sa batas ng mga Grab Partners?
    Scenario :
    Owner-Driven GrabCar = Driver is the operator
    LOWER MIDDLE CLASS

    BANK CONFORMITY aka "pahirap requirement"
    Ang Grab Operator na may isang GrabCar lamang ang lubos nahihirapan kumuha ng bank conformity dahil karamihan sa kanila ay ordinaryong empleyado lang na humahanap ng extra income. In other words, hindi sila mayaman at karamihan ay binabayaran pa nila ang kotseng ginagamit pang Grab.

    Nagbabayad sila ng monthly amortization around 15, - 2, habang pinapasada ang GrabCar at kailangan din gastusan ang maintenance katulad ng change oil, gulong, brakes at marami pang iba at katulad ng ordinaryong empleyado may bills din sila na kailangan bayaran like Meralco, tubig, pagkaen at bahay, mas malaki pa ang expenses ng may nag aaral na anak.

    Ang sasakyan nila ay "private owned" vehicle na alaga nila pero handang gamitin para mag public service para sa extra income.

    PAGKUHA NG BANK CONFORMITY
    Bago ka makakuha ng bank conformity bukod sa primary requirements:

    1) kailangan gumastos ng
    1, - 3, for amendment and notarial fee (depende sa banko)

    2) shortening of loan term (ex. from 5 years to 3 years) kung saan tataas ang monthly amortization with higher bank interest rate

    3) more expensive insurance rate dahil convertion from "private owned" to "for hire"

    Hindi po talaga kakayanin yan at mas hindi sila makakabayad.

    SIMULA NG "PAHIRAP POLICY"
    (see video)

    Ayon sa Senate hearing, nagsimula sa multiple unit per partner ang problema,
    dahil dito nawala ang spirit of Ridesharing na makakatulong sana sa traffic, ideally
    dapat ay 1 Grab Operator : 1 GrabCar lamang dahil kung 1 Grab Operator : Multiple GrabCar ito ay wala na ding pinagkaiba sa pagiging taxi fleet.

    Sa video, inamin ni Brian Cu na may Grab Operator na may 7 units sa Grab platform
    kaya naman itinulad ng LTFRB sa taxi ang requirements ng lahat ng TNVS dahil nagreklamo ang ibang denominasyon pagdating sa usapang 'fairness' sa regulasyon na bakit daw sila bago makakuha ng prangkisa ang daming hinihinging requirements.

    Dahil dito, linimitahan sa max 3 unit per operator nalang. MC 217-32

    Sa aking palagay ay dapat tanggalin ang bank conformity sa requirements ng mga Owner-Driven GrabCar para manumbalik ang spirit of Ridesharing para mahikayat ulit mag drive ang ilang Owner-Driven GrabCar.

    Masaayos sana ito para makamit ang full potential ng Grab platform for the betterment of everyone.

    Mahirap iregulate ang TNVS as a whole kaya dapat himayin natin ang problema, umpisahan natin iresolve sa Grab Operator na may isang GrabCar lamang dahil sila ang labis na naapektuhan ng "pahirap requirement" pero sila naman ang orihinal na meaning ng Ridesharing.

    Ayaw lang bang sumunod sa batas ng mga Grab Partners?

    SAGOT: Kami ay nagsusumikap at ginawa namin lahat upang makacomply sa requirements. Hindi kami nag iinarte o ayaw magpasakop sa gobyerno. Sadyang napaka hirap at dagdag gastusin ang gusto ng LTFRB at HINDI ITO PATAS.

    This post aims to help LTFRB to REGULATE and not to OVER REGULATE TNVS.

    Napaka importante ng linalaman nitong post please SHARE.
    In God we trust.

  2. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    5,504
    #2
    If I remember correctly... Same is a requirement kung i-taxi mo yung binili mong car.

    Matagal nang Grey area yan with TNVs kasi di naman pinapalitan plate nila ng for hire (yellow).

    Technically, shorter talaga bank loan and iba din dapat ang insurance ng "for hire" vehicle.

  3. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    13,919
    #3
    ako lang very vocal dito about sa transport network na taxi lang yan. Dati ko pa sinasbi nasaan na yung pinupush na ride-sharing.

  4. Join Date
    Feb 2017
    Posts
    210
    #4
    Ridesharing uses private cars it must not be regulated the same as taxi's. The regulating body, LTFRB must craft a new law that perfectly fits to the concept of ridesharing.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #5
    taxi in disguise

    pag ginagamit mo sarili mong sasakyan kumukuha ka ng pasahero at pinagkakakitaan mo kailangan ka i-regulate

  6. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    13,919
    #6
    yung ridesharing magkano pinaghahatian jan? A true ridesharing kasi dapat yung pupuntahan na destination eh makwenta kung magkano tamang amount paghahatian for ilan people. Yung meron ka dadaanan araw-araw same passengers yan ang ride-sharing.

    Pwede din random may lakad tapos meron tiyempo same destination.

  7. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    5,504
    #7
    Quote Originally Posted by uls View Post
    taxi in disguise

    pag ginagamit mo sarili mong sasakyan kumukuha ka ng pasahero at pinagkakakitaan mo kailangan ka i-regulate
    agree ako dito.

    Not to defend taxis, sa totoo lang, di ko maalala yung last time na sumakay ako ng regular taxi dyan.

    Pero sobrang swerte na ng TNV operators and drivers.

    Green yung plate nila, so 5-10 years later, kawawa yung bibili ng used car na ex TNV pala
    Kahit non-pro license ng driver pwede
    Tinted cars

    ***
    IMO, sana gumawa ang LTFRB ng regulation na

    Separate rule for TNV fleets - 2 units and above (no limit)
    If the car is owned/driven by 1 person, tapos isa lang din franchise nya, iba din ang rule.

  8. Join Date
    May 2014
    Posts
    1,318
    #8
    Yung pagkuha ng approval ng bank to use for TNVS yung kotse na nakamortgage sa bangko, understandable yun.

    I'm just being realistic here. Bagong kotse pero pera ng bangko ang pinambayad dun, hindi pa pera ng operator/driver. Since ang unang usapan for loan was private use, iba usapan. Gagamitin mo for commercial use, iba din usapan. Dapat din affected ang comprehensive insurance mo diyan kung tutuusin. Meron pa nga mga clause iba diyan na insurance na if commercial use yung vehicle, hindi na nila sagot towing, kahit insured sa kanila.

    Yun ang sa pagbasa ko sa pinost, so hindi ito "pahirap" per se, pero kung nilinaw ninyo siguru sa bangko simula pa lang, alam ninyo na haharapin ninyo pag dating sa "loan terms/rates".

    Pero, agree din ako, na kung 1 is to 1 yung Grab/TNVS license to operate ng driver, iba dapat ang requirements sa fleet operators na 2 to 10 na ang bracket, and 11 or more.

    Dapat din may rule about sa consanguinity or degree of relationship to an existing TNVS license holder para maiwasan manipulation sa umiiwas sa stricter requirements for fleet operators. (Anti Dummy Rule basically)

  9. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,769
    #9
    Nung nagkaroon ng tigil pasada ang tnvs, few weeks ago, napansin ko ang luwag ng kalye dito samin sa makati. Nakauwi ako in 10 minutes from the usual 1 hour for a 4 km trip

    Sent from my MI MAX 2 using Tapatalk

  10. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    137
    #10
    Quote Originally Posted by uls View Post
    taxi in disguise

    pag ginagamit mo sarili mong sasakyan kumukuha ka ng pasahero at pinagkakakitaan mo kailangan ka i-regulate

    I agree.

    Ang issue yata tungkol sa pagkuha ng Bank Certificate sa mga naka-mortgage sa banks, as per LTFRB explanation, is that dahil naka loan pa ang sasakyan ay dapat may say or approval or consent ang bank kung ito ba ay gagamitin for public use or business. Kasi parang magiging breach of contract ang mangyayari between the bank and the person who loaned the car dahil nakalagay sa terms and conditions ng loan na for Personal Use yung sasakyan. Syempre kapag ginamit sa business eh iba ang loan type at interest rate na ipapataw ng bank sa lender.

    Sa insurance naman the issue is the same, iba ang insurance ng sasakyan na strictly for private use at para sa pang-business. Kaya pag na-involve sa accident ang TNVS vehicles during the course of business at ang comprehensive insurance nya ay for private use lang eh magiging reason pa ito for denial ng claim. Syempre kawawa in the end ang pasahero lalo na kapag may injuries na natamo.

    And dapat talaga 1 lang ang sasakyan ng owner ng vehicle na pang TNVS. Pag 2 or more na eh fleet na yun, meaning pang taxi na dapat ang prankisa nya.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

Ayaw lang bang sumunod sa batas ng Grab Partners?