with all due respect sir, wastegate ang tawag sa nag cocontrol ng boost ng turbo. hindi po yung EGR. meron tayo niyan, yan yung linkage sa turbo housing para mag control ng overboost.
technical term sa sinasabi mo, FYI, ay compressor surge. nangyayari lang yan kung ang may throttle body ang makina, luckily, hindi yan mae-experience ng diesel engines kasi wala itong butterfly valve, unlike sa mga EFI gasoline engines.
para naman maiwasan ang compressor surge sa mga gasoline engines, kailangan ng dump valve o sa mas kilalang blow-off valve, yan yung wapishh sound tuwing bibitawan ang accelerator.
