New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 20 of 106

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #1
    Depektibo ang lahat ng TOYOTA REVO SR 1.8 EFI at dapat itong i-recall!
    By:TULFO

    Kung pagbabasehan ang reklamong natanggap ng SHOOT TO KILL mula kay
    Ben Ong at sa marami pang motorista, ang lahat ng de-gasolinang
    TOYOTA Revo SR. 1.8 EFI, automatic, ay dapat i-recall dahil sa
    designed problem.

    Ang problemang dulot ng factory defect na ito ay ang pagiging malakas
    at mistulang imbudo sa pagkonsumo sa gasolina ng nasabing modelo at
    ang fuel knock o tupi na kakambal nito'y hindi kayang i-repair.

    Ang pagkakamali ng Toyota, mabigat na nga ang kaha ng SR 1.8 EFI,
    dahil sa cladding na nakapalibot sa frame nito, binigyan pa ito ng
    automatic transmission. At dahil maliit lamang ang engine, hirap na
    hirap ang makina na patakbuhin ang unit at ang resulta ay ang
    pagiging malakas na konsumo nito sa gas.

    Ayon sa mga reklamong natanggap namin laban sa SR 1.8 EFI, pumapatak
    na apat na kilometro lamang ang naitatakbo nito sa isang litrong
    gasolina kumpara sa ibang kaparehong Asian Utility Vehicle (AUV) na
    gawa ng ibang manufacturer na tumatakbo ng hanggang dose na kilometro
    sa bawat litro.



    Pero ang pinakamatinding reklamo ng mga nagmamay-ari nitong mga
    depektibong SR 1.8 EFI ay ang palpak na customer service na
    ipinamumukha at ipinapatikim ng Toyota sa kanila sa tuwing sila'y
    magrereklamo.

    Ayaw aminin ng Toyota ang kapalpakan sa disenyo ng nasabing modelo
    dahil kapag ginawa nila ito, libu-libong unit ng SR 1.8 EFI ay
    kinakailangang isauli at bigyan ng kapalit na bagong unit at modelo
    ang mga nakabili nito.

    At kapag ito'y nangyari, daan-daang milyong piso ang malulugi sa
    Toyota. Pero ang pinaka-negative effect kapag ni-recall ang nasabing
    modelo ay magkakaroon ito ng matagalang epekto at tuluyang masisira
    na ang dating magandang reputasyon ng nasabing Japanese car
    manufacturer at magdudulot na ito ng pagbagsak sa sales sa lahat ng
    sasakyang gawa ng Toyota sa mga darating na taon!



    Sa kaso ni Ben Ong, binili niya ang kanyang SR 1.8 EFI sa Toyota UN
    Avenue at ang mismong General Manager at Vice President nito na si
    APOLINARIO SANTOS ang umamin kay Ong na siya raw ay namomroblema rin
    sa kanyang SR 1.8 EFI. Inireklamo rin ni Santos kay Ong ang pagiging
    imbudo sa gasoline ng kanyang unit.

    Ang remedyong ginawa ni Santos para sa reklamo ni Ong ay pina-check
    niya ang sasakyan sa kanilang service supervisor na si JOJO BUGARIN.
    Pero hindi naayos ni Bugarin ang problema kaya ipinasa ng Toyota UN
    ang reklamo ni Ong sa planta ng Toyota sa Cabuyao.

    Dalawang Japan-trained technician na sina BENJIE DIONELA at ROMMEL
    RAMOS ang nagtulung-tulong inspeksyunin ang sasakyan. Sa
    rekomendasyon nina Dionela at Ramos, pinalitan ang gas tank ng
    sasakyan ni Ong dahil ito raw ang may problema. Pero matapos
    mapalitan ang tangke ng gasoline, naroroon pa rin ang sakit sa ulo ni
    Ong sa kanyang SR 1.8 EFI.



    Dismayado na si Ong kung kaya'y iniakyat na niya ang kanyang reklamo
    sa Department of Trade and Industry (DTI) at nagpadala na siya ng
    sulat dito noong February 5, 2004. At noong March 11, 2004, lumiham
    kay Ong ang Toyota at hiniling sa kanya na dalhin ang kanyang unit sa
    kanila at kung maaari ay ire-evaluate daw nila uli ang kanyang
    sasakyan!!!

    Pero hindi lamang si Ong at ang General Manager at Vice President ng
    Toyota na si Apolinario Santos ang may problema sa kanilang nabiling
    SR 1.8 EFI dahil matapos kong maisulat dito noong nakaraang taon ang
    problema ni Ong, binaha kami ng e-mail at tawag sa telepono. Lahat ng
    nakipag-ugnayan sa amin ay nagsabing parehong-pareho ang problema
    nila sa problema ni Ong at ni Santos.

    Ang iba sa kanila ay nagsabing ibinenta na lang nila ang kanilang
    unit ng palugi para mawalan na sila ng sakit ng ulo.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,398
    #2
    is there such thing as 'recall' dito sa pinas?

    sana naman magkaroon o maimplementa dito ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mga consumers katulad sa Amerika.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #3
    any comments from Revo 1.8 owners here?
    Signature

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #4
    Hirap pala magkaroon ng Revo..Ganda pa naman ng features meron palang sakit sa loob...

    Oo nga dapat magkaroon ng batas para sa karapatan ng mga consumers katulad sa Amerika...

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #5
    Buti na lamang Diesel yung akin... tsk...tsk..tsk
    No wonder ang Classified Ads/buy & sell section bumabaha ng REVO Gas.

  6. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    10,314
    #6
    Toyota never claimed that the 1.8 liter gasoline engine is fuel efficient. I don't think that's enough reason for a recall.

    It's just another example as to how some personalities abuse the power of media.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #7
    Originally posted by Walter
    Toyota never claimed that the 1.8 liter gasoline engine is fuel efficient. I don't think that's enough reason for a recall.

    It's just another example as to how some personalities abuse the power of media.
    sino bang meron brochure ng revo? usually nakalagay sa description ng engine yung word na 'efficient'. lusot ang toyota kapag walang word na 'efficient' dun sa brochure.
    Signature

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,398
    #8
    maybe that's one reason kaya ipe-phase out na ang REVO name, papalitan daw ng pangalan ang AUV ng toyota starting january2005 according to an insider

  9. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #9
    baka naman Kijang ang ipalit hehehe

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #10
    what kind of fuel mileage would you expect from a puny 1.8 L gasoline engine partied with an automatic transmission?

    minsan di na nag-iisip itong si pareng tulfo..wala namang alam sa kotse yan!

    yan din ang problem ko eh..lakas lumaklak ng gasolina..haha
    Last edited by kiper; April 24th, 2004 at 03:10 AM.

  11. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #11
    lugi toyota nyan pag nganyan nangyari...

  12. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    140
    #12
    hindi papayag ang toyota jan, masisira pangalan nila e, ipaglalaban ng toyota yan. si tulfo talaga kng cno cno nalang tinitira e gusto lng nya humingi ng revo e, hehe pag ikaw tinira ni mike enriquez yari ka.. hindi ka nya tatantanan......................!

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #13
    tama is walter, wala naman 1.8L gas engine na nasa classification ng fuel efficiency eh...kung gusto mo ng fuel efficiency e di dapat 1.3L or below ang kunin na engine displacement.

    Secondly, A/T are really power hungry transmissions and yet would put it out sa gulong for speed.

    wala yata talagang pinag aralan yang si Tulfo...kumbaga sa showbiz para lang din siya na isang bading na reporter na naghahanap ng attention....

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,203
    #14
    walang recall sa pinas.
    ito ba yung Toyota Revo VX200?

  15. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    1,704
    #15
    fuel efficiency is not a reason for a recall. siguro kung safety issues, pwedeng pwede.

    tingnan mo a gasolina na terrano, ni-recall ba? eh parang 4 to 5 kms per liter lang yon.

    moral of the story, before buying any vehicle, research muna. tingnan mo ako, sinubukan mag-F150, reklamo naman sa gasolina at maintennance cost. di ko naman pwedeng kasuhan ang ford, eh hindi naman nila ako pinilitang bumili ng unit nila

    is lang ang solusyon dyan, engine swap to a 4.2 liter turbo diesel

    ehehehehehe. lilipad na siguro yung revo nyan

    andy

  16. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    212
    #16
    I don't LadyTruck is right, fuel efficiency is not a valid reason for Recall since TOYOTA never claimed anything about its fuel efficiency. Yun 1.8L na engine w/c consumes 4km/Lit is just right considering yun Big body nya and it will also depend sa USER! I have an Accord 2L, it's consuming an average of 5 to 6 sa normal (meaning slow) driving but when i'm reving it sa road specially pag mabigat ang foot ko sa pedal it averages to 3 to 4km/L. Nireklamo ko na din yan sa CASA but they don't have any answer coz yun daw ang norma. Remeber yun mga Corolla na GLi 93 to 95 model (16V) Average nun is 6 to 7km/L sa manual e 1.6 lang yun... Pwede babaan ng Toyota yun adjustment ng Nozzle nun sa Revo pero for sure hihina ang makina. I think sa case ni ben ong dapat nag diesel na lang sya. Yun SUV na you're telling us na 12Km/L? Sa provincial road yun dumaan and the purpose of their travel was patipidan ng consume ng fuel. OA lang nanaman si TULFO (bka may lagay pa yan from other comapnies coz REVO had a big lead in sales this yr, around 40% share sa market! huh!!!!) Anong car ba use ni tulfo? eh d naman nagbibilang ng mileage yan basta karga lang ng karga sa HUMMER nya... tsk tsk tsk... ano say nyo mga peeps?

  17. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    1,704
    #17
    alam ko na bentahan na lang natin ng "fuel saver" na additive ang mga naka revo na 1.8

    malaking raket yan, hehehehehe

    andy

  18. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    212
    #18
    oo nga... gawa tayo sarili formulation, haluan ng DIESEL yun GAS! HAHAHAHA!

    Pero there's a little solution sa prob nya, pwede nya for starters change the Filters, the hi-tension wires, and the spark plugs. Basic yan, for sure he can add another km sa consumption nya... K&n/Simota for free flow air, Splitfire for sure steady power for burning the 4tips BOSCH sparkplugs! ok na yan! did that many times and it's effective... sa akin... pag mareklamo pa din CHANGE TO DIESEL ENGINE NA SYA! Siguro d sanay sa Gas engine yan si BEN ONG... hehehe...

  19. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,306
    #19
    wala lang talaga alam si tulfo..

    bago kami bumili ng revo eh ni-research ko mabuti kung ano fuel mileage nya.. at natuklasan ko na malakas sa gas ang 1.8 at 2.0 gas engine.. mga 4km to 6km per liter.. and ang design ng engine eh luma na unlike sa ibang toyota models na meron VVTI..

    kaso.. nasa 700K lang ang budget namin.. so anong big car na pwedeng bilhin with that price??

    gusto sana namin eh yung xtrail, crv or rav4 dahil based on our own research eh mas matipid ng konti sa gas compared sa revo.. the xtrail 2.5 can even manage a 8 to 11km per liter based sa DOE test run (correct me kung mali figures ko po

    so with that budget of 700K.. either we wait a few more years.. years po ah.. para maka ipon ng 1.1M ..or bumili ng sasakyan para meron ng magamit?

    so our choice was to buy the revo gsx 2.0 model.. so far no regrets.. pero ang sakit sa bulsa pag napapa-gas ako hehe

    yung iba kasi eh porma habol pero hindi naman nagre-research ng pros and cons... tsk tsk...

  20. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    1,704
    #20
    there you go, swak na swak ang sagot sa issue na ito.

    shopping for a car (for normal people on a budget, like me) is all about compromise naman. kung habol mo talaga ang gas mileage, then i think the king would be the isuzu diesel crosswind? tama ba yon?

    andy

Page 1 of 5 12345 LastLast
Depektibo ang lahat ng TOYOTA REVO SR 1.8 EFI at dapat itong i-recall!