New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 32
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #11
    hmmm....pag tumaas ng grabe ang gas, baka magsisi sya B)

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    1,231
    #12
    Quote Originally Posted by EL Chicane
    Walang Kelseat na karatula yung bodega 'pre. Mejo malayo yung Kelseat. But since nasa within vicinity ng Marcos Alvarez, malamang may kinalaman kaya Kelseat at Toyota dito? Isang buwan na yung mga Fortuner dun ni hindi gumalaw yung pwesto at hindi nababawasan. Saka walang ibang tao dun sa area kundi sikyu lang na nagbabantay sa gate.
    They can't hoard the units... The expected price increase, being VAT related, is pass-on. They have nothing to gain by hoarding.

    The dealerships, however, have a lot to gain by re-upholstering all the units. Why? Because, they can add their outrageous mark-ups on the discounted re-upholstery jobs they get from KelSeat... The re-upholstered units are then sold as "take-it-or-leave-it." Eh, kung inip ka na sa kaka-hintay, baka mapakagat ka na rin kahit way above the SRP na yung unit.

  3. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    197
    #13
    Quote Originally Posted by vicoyski
    They can't hoard the units... The expected price increase, being VAT related, is pass-on. They have nothing to gain by hoarding.

    The dealerships, however, have a lot to gain by re-upholstering all the units. Why? Because, they can add their outrageous mark-ups on the discounted re-upholstery jobs they get from KelSeat... The re-upholstered units are then sold as "take-it-or-leave-it." Eh, kung inip ka na sa kaka-hintay, baka mapakagat ka na rin kahit way above the SRP na yung unit.

    tinanong ko nga yun sales rep ng toyota bakit meganun dealer, sabi niya bawal yon , diba ganun kayo sabi niya hindi daw.iba iba kasi ang mga dealer,sa kanila bawal yun ganun
    4 branches nila toyota Manila Bay , Cubao, Marikina, Dasma Cavite
    Biggest toyota dealer daw sa kanila

    anung mga toyata dealer ba yan ganyan me kelseat upholstery ?,

  4. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #14
    I doubt if they're "hoarding". Naka-pila siguro for upholstery. OEM supplier ang Kelseat, malamang sila ang gumagawa...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,842
    #15
    Probabaly nga naka pila for kelseat modification.

    And mas malaki kita ng dealers pag mas maraming accesiries hindi ba?

  6. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    116
    #16
    Quote Originally Posted by MAXBUWAYA
    Probabaly nga naka pila for kelseat modification.

    And mas malaki kita ng dealers pag mas maraming accesiries hindi ba?
    Taga Moonwalk,Las Pinas ako at diyan ko nakita personally ang mga Fortuner na yan sa Kalseat...Sa haba ng pila ay inilipat na sa katabing bodega (ex-garments factory) yung mga fortuner...malapit sa Smash Zone Badminton Court......Kung wla kayong makitang display sa showrooms ng Toyota...Pasyal na lang kayo sa Smash Zone para masilayan nyo!

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    130
    #17
    Quote Originally Posted by FPJ
    Taga Moonwalk,Las Pinas ako at diyan ko nakita personally ang mga Fortuner na yan sa Kalseat...Sa haba ng pila ay inilipat na sa katabing bodega (ex-garments factory) yung mga fortuner...malapit sa Smash Zone Badminton Court......Kung wla kayong makitang display sa showrooms ng Toyota...Pasyal na lang kayo sa Smash Zone para masilayan nyo!
    Kailangan bang naka pang-Badminton attire para papasukin ako ng sikyu? :praning:

    By the way, napansin mo ba kung totoo yung sabi nung iba na brand new yan or meron ng may-ari? Grabe naman ang Toyota kung pinapa-Kelseat na kagad bago ibenta. Hanapin nyo nga yung factory ng Audiovox baka pagkatapos sa Kelseat dun naman tinatambak ulit yung mga units para kabitan ng audio-video system. :praning:

  8. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #18
    may test drive din ba sa may smash zone?! hehehe

  9. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    200
    #19
    tlga nga nman. talgang in-na-in ang fortuner. talk of the town for several months.. hehe!

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #20
    Ok, may update ako dito. Dumaan ako kanina at chinika ko yung sekyu. Tama kayo, itong warehouse na ito na pinagtataguan ng mga sandamukal na Fortuner eh nirentahan ng Kelseat dahil wala ng lugar para iparada dun sa kanila.

    At wag kayo, lalo pang dumami yung nakaparadang Fortuner dito. Kung dati eh mga 12 lang ang bilang ko. Ngayon humigit kumulang na mga 30 units yung nabilang ko! Karamihan silver ang kulay, pero nakakita na rin ako sa wakas ng kulay GOLD. Ang ganda ng GOLD!!!! Pero wala na akong pakialam dito sa mga animal na Toyota na ito. Bumili na ako ng Mitsu 2005.

    Eh kaya pala walang allocation ngayong buwan na ito dahil sa sobrang dami ng backlog ng Kelseat. So yung mga nakapila jan na umaasa pa rin na makakuha ng unit na bare, wala na talaga kayong pag-asa dahil lahat ng mga Fortuner na dumadating eh nilalagyan na ng Kelseat automatically at malamang ibebenta dun sa mga inip ng maghintay. So ihanda nyo na yung additional na bayad nyo dito sa Kelseat - mukhang standard issue na ito.

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Toyota Fortuner HOARDING ?????