Based on the new LTO matrix of penalties, all fines are now at a minimum of P1,000.
Yun nga lang talaga sir, asa ata talaga sa commission mga SA. Not really sure if they have fixed monthly. And if ever, baka mababa nga talaga. Hirap din. Pero sana nga lang they really do their research on their products. Yun dapat bread and butter nila eh, sana pinagpapabuti nila.
If SA's are anywhere near you or our expert tsikoteers here in terms of product knowledge eh mas maganda ang magiging experience ng mga buyers pre- and post-sales
Sa psychological effect talaga kami umaasa, or else wala nang way na madifferentiate namin fuels of one brand from other brands
Super swerte mo bro sa mga contest, baka kung sa Petron ka nagpakarga nagkalibreng Vios ka! [emoji12]
Anu ba pinaka ok na Octane ng fuel? Yung medyo malakas humatak pero matipid.
91RON
93RON
95RON
97RON
100RON
Blaze kase gamit ko ngayon and nalalakasan ako siguru kase lage rush hour alis ko.
How long is the warranty of the stock battery? My car just turned 1.[emoji3]
Ayun sa warranty booklet natin.
Battery is covered under a separate warranty provided by the battery manufacturer. Originally equipped battery is covered for 12 months or 20k km., whichever comes first, and will be replaced with locally supplied battery in case of failure.
If wala na warranty nkita ko kanina sa dealer nasa 4k plus. Free maintenance.
Iba iba ang size ng battery per car, although you can generally fit in a larger battery if the engine bay/battery mounts are large enough.
Not sure where you can get the info on what battery 'size' is the best (as I do not have an 11G Corolla), try the manual for specs, the CASA, or ask Motolite -- they should have a chart showing which battery is for which car.
To be sure, yung tamang 'size' come in codes that look somewhat similar to this: '1-SM', '2-SM', etc.
Had my 1k pms today. Just want to share my experience with my 1k pms with toyota alabang. Fyi din doon sa mga mag pa pms sa alabang.*
Napansin ko bago mga facilities nila. Maganda din parking lot nila at malinis. Maganda ang aura kum baga. Unlike doon sa mga feedback before. Magaling din ang mga nag aassist sa parking lot. Sasalubungin ka agad at tanungin kung ano ang kailangan. Pagdating naman sa reception or desk nila maganda din customer service. Merung free coffe kaya lang limit ako sa sugar.*
Pwede mong tingnan sa tranparent glass ang ginagawa ng technician sa car. Madami sila na gumagawa at madami din tao kaya sabi ko di naman cgro nila kukunin ang mga parts na binili mo. Di ko lang alam. Pwede ding lapitan ang car mo habang ginagawa. Pwede ding mag tanung kaya lang hanggat maari wag na magsalita manood lang daw. Para mabilis ang gawain at di magkamali ang tech.Tiningnan ko din yung sa akin. Mukhang mababait naman ang mga tech. Walk in lang ako wala ako appiontment kc may pasok na ako sa ibang araw pero pagdating ko ginawa agad yung car ko. 2 hours tapos na agad. Dapat lang ay maaga kang dumating yun kc ang sabi pag walang appiontment. 730am lang ako pumunta. Pagdating ng 9am puno na ang waiting area at parking lot nila, kaya kung pupunta kayo dapat maaga 6am bukas nila para maaga din makauwi.*
Amount payable ko is 1615.65
Ito yung mga ginawa.
Replaced engine oil(regular oil lang pero recommended\approved naman cia ng toyota.)binigay sa akin tira na isang bote.
Replaced engine oil filter
Inspected air filter
Inspected brake pads and discs
Inspected steering wheel and linkage
Optional free car wash and vacuum with tireblack. Since free agree n ako.
I requested to inflate the tire at recommended level at for free naman.
Free na yung labour na 862.40 since free yung 1k and 5k pms labour sa new toyota car. Total invoice ko sana ay 2478.05
Pagkatapos ng pms, napansin ko agad mas lalong lumamig ang aircon with my same setting. At yung ride and comfort mas lalong lumambot. Parang brand new uli since bagong linis.
May katanungan lang sa ako doon sa mga nag pms sa toyota calamba na 1200 ang bayad. Doon kc ako sana pupunta. Kaya lang maulan at 25 km pa tatakbuhin ko at balikan pa. Ano po ba yung mga ginawa sa inyo sa pms. Thanks.