Usually, kapag nag-a-upgrade ng wheels, pinalalaki, right? (Wala pa yata akong nabalitaan na nag-upgrade paliit ng wheels, pero possible rin naman yun)
At kapag lumaki ang gulong, mas madali kang makararating sa destination mo, that is, kung wheel size lang ang factor na nagbago (same traffic, same load, same manner of driving, same engine "OOMPH"/exertion, etc...), dahil ang isang buong ikot ng maliit na gulong ay mas maigsi ang mararating kesa sa isang buong ikot ng malaking gulong. Diyan papasok ang pinag-aralan natin sa Geometry -> circumference = diameter * pi = 2 * radius * pi. Habang lumalaki ang radius/diameter, lumalaki ang circumference, at mas malayo ang mararating sa bawat 360 degrees na ikot.
Ngayon, kung medyo significant ang difference sa laki ng gulong (wheel/rim and tire total difference), baka mas mahirapan naman sa pagpapaikot nito ang makina mo, so dapat yung laki ng gulong ay OPTIMAL (optimized para sa makina at transmission mo).
Bottom line is, kung mas malaki ang idinagdag na hirap sa makina kesa sa idinagdag na layo ng nararating dahil sa paglaki ng gulong, mas lalakas ang kunsumo ng gasolina, at vice-versa.
Also, take note that your odometer reading will not reflect the TRUE DISTANCE travelled if you change the overall diameter of your wheels (diameter including the tires). Kapag pinalaki ang overall diameter, yung isang kilometro sa odometer ay mahigit isang kilometro sa actual distance travelled.
Here are some readings I found for you:
http://www.vejdirektoratet.dk/publik.../chapter06.htm http://www.car-techie.com/tyre.php?007 http://www.oneshift.com/forum/topic_...053&page_id=-1 http://community.discovery.com/eve/f...8/m/5311978359
Hope that helps...