New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 9 of 162 FirstFirst ... 56789101112131959109 ... LastLast
Results 81 to 90 of 1613
  1. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    7
    #81
    Salamat sa insights mo about sa FX, True madali at friendly user ang Fx at kahit saan me piyesa kaya d ko binebenta sa akin. For keeps ika nga. 97 GL 7k sa akin. All stock, all metal.

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #82
    Tama ka dyan bro. kahit saan may pyesa. kahit saan makakarating, kahit kailan maaasahan. yan ang tamaraw fx. hindi gaya ng GSIS, kahit kailan hindi maasahan!

  3. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    48
    #83
    Quote Originally Posted by kuligligko View Post
    No matter what others want to say, Tamaraw FX is still one of the most fuel efficient AUV of this generation. yet one of the most practical to own by an ordinary citizens like me. it can accommodate 11 passengers, easy to maintain, easy to drive, realiable and durable specially in the rough roads with great suspension handling on the mountainous and slippery roads.

    i love my old model FX and thats it. thats all i can afford and it suits my transportation requirements.

    sir,kita ko toh sa SULIT.com bkt nyo po benta?

  4. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #84
    *kuligligko
    ano po brand at spec ng mags at tire nyo?

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    8
    #85
    sir question lang po..san located ang relay ng compressor..fx 95 model po 2c..ayaw mag automatic ng compressor po..gnalaw ko na din ang thermostat ayaw pa din

  6. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #86
    yap na post ko to sa sulit for sale pero hindi na forsale since di ko na kailangan pera. nag change unit kasi ako ng taxi unit. brandnew crosswind sana ipalit ko pero may nakuha na ako mas mura na 2007 model (second hand) na adventure gx pampalit sa phase out unit na taxi ko. ayon nagkasya yong budget ko kaya di na kailangan ibenta fx ko. tapos ang babarat pa kasi mga tumatawad noon sa fx kaya i decided to go for a second hand unit instead of a brand new one.


    generic lang yong mags ko na 14" na naka offset. tire size is 195x60x14. pwede rin 185x65x14. halos magkapareho lang yong diameter nong dalawa na yan. mas malapad nga lang yong 195x60. kahit ano 5 holes na 14 mags pwede dyan pero mas maganda yong naka offset para labas yong gulong. pwede rin sana yong 15 mags pero medyo hihina hatak nya unless mag low profile tire ka pero matagtag naman.

  7. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #87
    to the admin, how can i edit my post. gusto ko sana burahin yong plate number ng fx ko. nakalimutan ko burahin.

    thanks

  8. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    278
    #88
    Ngayon ko lang nakita 'tong thread na 'to...

    When I've got this in 2002, kalbo lahat ng gulong, puro langitngit (matagal di na-greasing) at kalog ang suspension/underchassis. Di malaman kung saan napupunta ang engine oil (lakas manunog ng oil), puro kalawang ang chassis/body so walang kwenta ang paint nya (1994 base model 'to by the way). Tamang umandar lang... Ex-company service vehicle sya.

    After a 'thousands' of pesos, countless hours of DIY (last engine swap was DIY), and unmeasurable amount of sweat, ayan na sya.



    Its 'heart' (4th engine nya na 'to --- syempre dito ako pinaka-happy).


    1st engine: 2C - wala na
    2nd engine: 2C (Japan) - eto engine nya nung nakuha namin -- where sobrang mausok na sya at nangangain ng langis.
    3rd engine: 2C-T (Japan)- Ako nagpakabit... I was happy for quite a bit until tumakaw na rin sya at sobrang mausok na. Instead of overhauling/calibration of injection pump, I decided to swap na lang ulit (since I've got a very sweet deal sa dun sa next engine)...
    4th engine: 4A-GE 16V (red top) - Had quite a few problems with the drivetrain (weight of FX vs. engine power). After a few 'thousands' of pesos again (palit ng tranny at maraming pa-machine shop), ayos na ayos na sya.

    Engine: 4A-GE 16V (red top AKA high horse fitted with blue top/TVIS cams) properly wired/fully functioning EFI system, cone type intake system, Mallory 6EZL capacitive discharge ignition system, Splitfire spark plug wires
    Exhaust: customized 1.75" 4-2-1 headers (with thermal wrap), 2" pipes, 24" resonator, and Apexi Super Megaphone (JASMA certified)
    Interior: Re-upholstered by Seatmate (ceiling, sidings, and seats), Nardi Classic steering wheel, customized dual aircon system (since base model, this is originally single aircon only).
    Audio: Pioneer DEH-P7450MP Targa front seps, coax rear and 10" sub (installation all DIY)
    Wheels: 'Wildcard' 15" alloy wheels with 205/65/15 (front 2 Nexen CP-641/rear 2 Goodyear Ducaro GA)
    Paint: Not so good anymore kasi almost 5 years na sya. Marami na ulit kalawang at bula (di maiwasan sa lumang sasakyan)

  9. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #89
    ano po ba causes ng langitngit na nadidinig ko sa rear under? ano po ba dapat ipa grease?

  10. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,450
    #90
    ang ganda ng fx ninyo sir ah! mabangis siya at nagawa mong mag-fit ng 4AGE engine! kulang nalang eh i-drift mo na yan sir! hehehe...

Tamaraw FX Owners