New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 7 of 81 FirstFirst ... 345678910111757 ... LastLast
Results 121 to 140 of 1613
  1. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #121
    di na sana ako mag popost eh. anyway, i'll try to respond to your questions:

    oyam bro,

    madali tumingin kung okay pa diesel na makina sa fx.
    1. dapat hindi hardstarting,
    2. buksan mo yong radiator cap then start the engine para tingan kung walang talsik sa tubig. kung malakas talsik, ibig sabihin may tama cylinder head, sigurado madaling mag init yan. tingnan rin kung may langis na humahalo sa tubig. check mo na rin kung walang tumatagas na tubig habang umaandar sa ilalim ng fan belt. kung may tagas, sira water pump nyan.
    3. patakbuhin mo yong sasakyan with the aircon on para madaling uminit makina. kung mainit na makina then saka mo i check yong dip stick kung walang singaw o walang usok na lumalabas sa dip stick. hindi mo kasi makikita yong singaw o osok sa dip stick kung hindi pa mainit makina.
    4. dapat hindi maingay masyado yong makina like the sound (tiktiktik) otherwise, baka may tama na cylinder head nyan.
    5. check mo yong makina kung walang tagas ng langis lalo na sa may timing belt cover. pag may langis sa may timing belt cover, sigurado luto na yong timing belt mo then kailangan na rin palitan mga oilseal nyan. mahal ang orig timing belt ng fx around 2.2k plus labor.

    stapraxedes bro,

    wow! sobrang tipid ng fx mo. i have had fx before with 7k engine and the other is 5k engine but i never los such a fuel mileage as yours. 6-7 km/l lang on city and 8-9 km/l on highway. from that time on, ayaw ko na gasoline feed na fx. nice ride you got there bro!


    villarealrg bro,

    depende kung anong klaseng ingay yong maririnig mo. hindi lahat ng ingay ay galing sa vaccum. may ingay na dulot ng adjustment ng injection pump at may ingay din na galing sa valve ng cylinder head. ang tatlong ingay na yan ay halos magkakapareho (tiktiktik). kaya process of elimination gagawin mo dyan. you can remove the vaccum head then start the engine. takpan mo lang ng cartoon yong ulo para di tatalsik langis. kung meron pa, ibig sabihin hindi yong vaccum yong sira. pa adjust mo yong injection pump mo at baka naman masyadong naka atras yan. pa advance mo ng konti. maririning mo naman kung saan pipino andar makina. pero may trade off yan kasi pag masyado pino andar nyan, medyo hihina hatak makina. pag na adjust injection pump at meron pa rin, saka mo pabuksan cylinder head para i check mga valve. baka may baluktot na or hindi na maganda tappet valve adjustment nyan. pag magaling mekaniko mo, malalaman nya kaagad kung saan yong sira without going to those elimination process.


    Acer bro,

    ang stock tire ng fx is 175R13. ang pinaka malapit na tire size na 14 and 15 rim dyan is 185x65x14 and 195x55x15. pwede rin 185x70x14 and 185x60x15 pero mataas ng konti. negligible lang naman itataas nya.

    arieslhon bro,

    medyo hindi na maganda compression makina mo pag hard starting. pero pa tune up mo muna. i check mo muna yong carburator mo. palinis mo carburator as in babaklasin lahat yong nasa loob. around 350 pesos lang naman labor dyan. importante dyan yong sprayer. dapat gumagana sprayer ng carburator mo. if after those checking eh hardstarting parin, baka naman kailangan na top overhaul. baka stocked-up na yong mga piston ring mo.

    just my opinion based on my experience. maybe the others have other suggestions/comments.

  2. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    33
    #122
    Mga Sir ano po ba ang standard carb jet ng karburador ng 7k engine ng fx natin? pwede din po ba maging cause ng madaling pag-iinit ng makina kung SAKAL ang jet kahit di naman kalayuan ang tinakbo? TIA

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    158
    #123
    bro kuligligko
    thanks po sa insights try ko this days yung inputs nyo....

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    5
    #124
    can someone enlighten me here...

    ano ang pagkakaiba ng front suspension ng fx sa mga ordinary kotse? napansin ko kasi na walang coil spring di tulad ng mga kotse ng visible agad pagsinilip sa ilalim.

    kung mapapansin pa natin, karamihan ng mga pamasadang fx ay halos yuko na or dapa na ang suspension sa harap. nakokorek din ba ang suspension?

    salamat po...

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    15
    #125
    bro kuligligko,
    thank you sa tip mo, more power FX forum

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    15
    #126
    kuligligko bro,

    Thank you sa pag post mo , please don't stop posting.
    Pagka nagpalit ba ng 3CT engine kasama ba pati transmission? mga magkano kaya budget pagka nagpalit ng 3CT para makapag ipon muna?
    marami pa bang modification pagpalit ng 3CT fron 7K engine? Kasi iniisip ko 7K malakas sa gas di pa convert ko na ng 3CT. Mas makatipid ako.
    Thank you in advance uli bro

  7. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    6
    #127
    Sir (Kuligligko),

    Maraming maraming salamat sa inputs. Mga Masters sna wag kayong magsawa na magbigay ng inyong mga kaalaman para sa ating mga Tamaraw FX Owners. I will try your suggestions...More Power!!!

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    134
    #128
    noon merong kaming tamaraw fx 2c yung engine
    parang malapit na masira ang tappet valve kasi ma ingay na.
    pero hinde dumaan yung sa overhaul at hinde pa nag hard starting.

    medyo sira na ang rigth front suspension kasi kung dumaan sa humps merong squeaking noise.

    yung tamaraw fx namin more than 12 years na samin.
    we have to sell it kasi merong na kaming bagong strada at kailangan yung pera pang puhonan sa negosyo.

    the buyer is one proud owner sa fx namin. never pa na repaint yung but still looks shiny. alagang car wax kasi.

    i miss my fx.if i dont need the money hindi ko yung binebenta.

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    278
    #129
    Quote Originally Posted by stapraxedes View Post
    can someone enlighten me here...

    ano ang pagkakaiba ng front suspension ng fx sa mga ordinary kotse? napansin ko kasi na walang coil spring di tulad ng mga kotse ng visible agad pagsinilip sa ilalim.

    kung mapapansin pa natin, karamihan ng mga pamasadang fx ay halos yuko na or dapa na ang suspension sa harap. nakokorek din ba ang suspension?

    salamat po...

    Suspension ng FX sa harap ay torsion bars... Meron syang adjustment sa ilalim. I suggest ipa-adjust nyo na lang sa may computerized alignment dahil pag ginalaw ang torsion bars (raise or reduce the ride height), affected lagi ang camber and caster.

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    204
    #130
    fx owners... baka meron sa inyo mag-upgrade o kung ano paman... baka like nyo ipamana sakin nunit nyo? yun mura lang po sana at tight yun budget...
    pm or call me 0921-231-1111

  11. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    5
    #131
    Quote Originally Posted by knightrider View Post
    Mga Sir ano po ba ang standard carb jet ng karburador ng 7k engine ng fx natin? pwede din po ba maging cause ng madaling pag-iinit ng makina kung SAKAL ang jet kahit di naman kalayuan ang tinakbo? TIA
    based don sa stock jets ng 7k fx ko, Low - 115 at High - 165. Kanina ginawa ko Low - 100 at High - 150. Obserbahan ko pa ang fuel mileage for a few days kung may imrovement uli. Try ko lang kasi may nakita ako spare jets galing sa repair kit ko na pang 4k.

  12. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    5
    #132
    Quote Originally Posted by EssB View Post
    Suspension ng FX sa harap ay torsion bars... Meron syang adjustment sa ilalim. I suggest ipa-adjust nyo na lang sa may computerized alignment dahil pag ginalaw ang torsion bars (raise or reduce the ride height), affected lagi ang camber and caster.
    salamat po sa info. more power!

  13. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    33
    #133
    Quote Originally Posted by stapraxedes View Post
    based don sa stock jets ng 7k fx ko, Low - 115 at High - 165. Kanina ginawa ko Low - 100 at High - 150. Obserbahan ko pa ang fuel mileage for a few days kung may imrovement uli. Try ko lang kasi may nakita ako spare jets galing sa repair kit ko na pang 4k.
    Sit thank you po sa quick reply...sir regarding sa 2nd question ko...."pwede din po ba maging cause ng madaling pag-iinit ng makina kung SAKAL ang jet kahit di naman kalayuan ang tinakbo?" Hope na masagot din nyo po ito...Thank you po ulit, malaking tulong talaga ang forum na ito.

  14. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #134
    stapraxedes,

    nasagot na ni essb tanong mo. may add lang ako.

    mas maganda ang handling ng torsion bar pag sa mga kalsadang lubak as compared to a coil spring type. pina lower lang yong harap nong mga fx na subsob yong harap. mas maporma kung pa lift nyo ulit pero medyo mahina sa mga curve road lalo na kung mabilis takbo mo. dito sa baguio, halos naka lift na lahat yong harap ng mga fx. pero dyan sa lowland like in manila, observe ko rin na pinasobsob nila harap. madali lang magpa lift. kayang i DIY yan. pag sa shop wala pa 5 minutes for both wheels. hindi naman maapektohan yong camber pag pina adjust mo torsion bolt kasi auto adjust yan for as long as maganda lahat bulljoint and suspension bushing mo. pero pag luma na suspension bushing or yong bulljoint mo, masisira yong camber nyan pag ginalaw yong torsion bolt kaya kailangan sabay na rin magpa camber.


    oyam2157,

    mas lalaki gastos mo pag bili ka gas then palitan ng diesel. around 54k na ngayon ang 3ct dito sa baguio. 45k ang 2ct. baka mas mura dyan sa manila. mas maganda kung may willing mag trade in sa gas engine mo ng diesel. balita ko meron dyan sa banawe. karamihan sa 3ct ay front drive yong transmission kaya hindi mo rin magagamit transmission nya. pwede mo gamitin transmision ng gas engine mo. magpalit ka lang ng bill housing. kailangan din magpalit ka radiator ng pang diesel. maliit radiator ng gas kasi. around 60k gagastosin mo pag nagpalit ka gas engine to 3ct pero sulit na sulit naman for as long as may budget ka.

    knightrider,

    yes madaling mag overheat makina pag sakal masyado pero tingnan mo rin baka may ibang cause yong overheating like defective cylinder head.

  15. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    33
    #135
    Sir kuligligko tenk tou sa repyl mo regarding sa SAKAL na jet na pwede itong maging cause ng overheat, actually i already experienced it(overheat)...pero because nasira yung water pump ko at nagleak kaya nasaid ang tubig....top overhaul ang inabot ng car ko...palit ng water pump at cylinder head gasket...sabi ng mekaniko di na kailangan pa-reface yung cylinder head kase ok naman daw but nakakaexperience ako ngayon ng madaling pag-iinit ng makina lalo na pag trapik...ano-ano other possiblities na pwede pagmulan ng overheat aside from SAKAL na jet at defective cylinder head? Sir wag ka sana magsasawa magbigay ng tulong sa kapwa FX-Owner...TNX.

  16. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    33
    #136
    Sir kuligligko tenk tou sa repyl mo regarding sa SAKAL na jet na pwede itong maging cause ng overheat, actually i already experienced it(overheat)...pero because nasira yung water pump ko at nagleak kaya nasaid ang tubig....top overhaul ang inabot ng car ko...palit ng water pump at cylinder head gasket...sabi ng mekaniko di na kailangan pa-reface yung cylinder head kase ok naman daw but nakakaexperience ako ngayon ng madaling pag-iinit ng makina lalo na pag trapik...ano-ano other possiblities na pwede pagmulan ng overheat aside from SAKAL na jet at defective cylinder head? Sir wag ka sana magsasawa magbigay ng tulong sa kapwa FX-Owner...TNX.

  17. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    113
    #137
    knightrider,

    bro, hindi ordinary overheating ang nangyari pag nawalan radiator mo ng tubig. madami masisira pag ganon lalo na cylinder head. sigurado ka ba na magaling mekaniko mo na nag top overhaul?

    assuming okay nga yong cylinder head, simulan mo muna i trouble shoot sa pinaka simpleng cause ng overheating. first, pa check mo radiator at baka kailangan mo na pa overhaul. 450 pesos lang naman overhaul ng radiator. be sure na may air guide yong fan ng radiator mo para maganda air cooling ng radiator mo. pag okay yong dalawa at may overheat pa then baka may tama yong cylinder head mo. di naman kasi nakukuha sa physical examination ang condition ng cylinder head lalo na pag nag overheat na. may ginagawa ang machine shop dyan para makita kung may crack na hindi nakikita sa naked eye. may liquid solution na binubuhos dyan. then meron din sila way para ma check kung kailangan talaga ma reface yong cylinder head. pero dapat alam mo ano history ng makina mo kasi pag na reface na yan dati ng 2 times, hindi maganda pa reface lang ulit, kailangan papalitan mo na rin valve set ring.

    pag sa trafic lang madaling mag init, okay pa cylinder head mo. baka radiator may problema or baka wala ka airguide sa fan. pero kung sa akyatan ay nag ooverheat pa, malamang cylinder head na tama nyan.

    just my opinion based on my experience as a part time mechanic. part time lang kasi government employee naman tayo kaya week end lang kumakalikot ng sasakyan.

  18. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    33
    #138
    Sir kuligligko, thanks sa quick reply, this coming weekend gawin ko payo mo na paoverhaul ang radiator ko, sir ano po ba yung air guide/tamang air guide? sensya na po pagiging driver lang ng pamilya ang alam ko sa car

  19. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    7
    #139
    Monitor lang po !!

  20. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    193
    #140
    good day mga sirs! am a fx his side gas pick up owner question lang, nauubos kasi engine oil ko weekly napanasin ko na nakakadagdag ako ng one liter of engine oil weekly and my konteng white smoke labas sa muffler ko, ano kaya problem ng fx ko? hanap ko kung may tulo ng engine oil wala naman ty mga sirs!

Page 7 of 81 FirstFirst ... 345678910111757 ... LastLast
Tamaraw FX Owners