New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 14
  1. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    3
    #1
    Hi,
    Meron po kaming lumang car na Toyota Corolla XE'97 1.3(carburetor). Mejo matagal hindi sya nagamit dahil nagsimula na syang makaramdam ng mga kung ano anong problema. Here are some of its problem :

    1. Hard startup. Need to pump gas pedal 2x before ignition.
    2. Not stable idle.--parang may nagsasagwan(rowing) sa loob ng makina
    ---parang mamatay ang makina pag nakapark or nasa trapik
    ---nasa 1200 po ung rpm then pag naka aircon e nag 1000, pinepedal ko na lang po ung gas para di mamatay.
    3. Nachochope pag nag memenor.

    Eto na ung mga napagawa ko :
    1. Replace fuel fiter
    2. Replace spark plugs with (super 4 bosch)
    3. Timing checked with timing gun?
    4. Carburetor overhaul (as inpinalitan ng mga pyesa sa loob with the kit)
    5. Replace spark plug wires

    **Napansin ko lang after all these works, e mejo um-ok naman sya, mejo humahatak na. Ang napansin ko lang is pag mejo mataas ung quality ng fuel ko e parang nalulunod ung makina ko. Shell Super Premium ung pinakarga ko. e before e Unleaded Fuelsave lang(which is ok naman ung takbo nya).....

    May effect po ba kung nagpapalit -palit ng fuel kaya chumochope ang kotse ko? Advise naman po. thank s again

  2. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    53
    #2
    check also your idle solenoid baka nagloloko na,ito ung nakatutok sa may carb mo that controls idle

  3. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    166
    #3
    tingin ko may problema pa sa carb mo, masyadong mataas ang idle na 1200rpm.paano ba nilinis yung carb? baka binabad lang sa thinner, dapat ginamitan ng air compresor para para natangal yung mga bara. ano ba size ng mga jet ng carb mo?

  4. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    6
    #4
    sir nasa carb pa din yang sira kasi we almost have the same problem... anyway pinagawa ng dad q sa a&m carb shop sa kamuning qc try nyo po dun. ayos naman cla gumawa kasi ndi nila tinatago ung carb mo habang ginagawa nila at ineexplain sa iu kung anu ung sira. u also check the timing. suggestion lang po at opinion! ^_^ gud luck sa iu sir.

  5. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    3
    #5
    Carburetor overhaul na po 3 beses na, as in binaklas ung maliliit na pyesa, nandun din ako sa nung tinanggal ang carburetor

  6. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    18
    #6
    Check your Idle up, ask your mechanic if you need to change it and then pa tune up mo, for fuel, mas ok sa mga carb yung 95% octane like XCS or the one from caltex (sori i do not know the name of that gas) but make sure that your using 95% octane...masama sa carb ang unleaded.

  7. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    3
    #7
    *Shaq888,
    Ser, tama kayo, ung idle up nga ung nirecommend nung mekaniko, di na raw nag eengage pag naka idle. San po kaya ako pedeng makabili nyan? nagtanong na ako sa Alabang Parts dito sa south wala po e. Tnks po ulit.

  8. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    652
    #8
    andami nyan sa surplusan. try mi sa evangelista, sabihin mo lang modelo, bibigyan ka nila ng katapat

  9. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    19
    #9
    Good day airotciv! Share ko lang po experience ko sa car ko baka makatulong. Same tayo ng car pero XL yung sa akin. We also have the same problem, yun nga lang bagong overhaul car ko. Parang nalulunod din makina ng car ko lalo na kung bumubulusok na sa 3rd and 4th gear. Pinagawa ko sa friend ko na mechanic. Advise nya sa akin to check the carburetor for malfunction. Kase minsan nagdi-DIY ako sa car ko. Check the actuator kung pagsusi mo at naka-ON ilaw ng dashboard kung may click sound. That means pumitik sya at nagset na makakapass yung air going to the carb. Kapag wala ka narinig that means sira or nakabend yung housing ng actuator mo. Yung sa akin nadeformed yung housing ng actuator kaya once na pag-ON ko, hindi sya pumipitik. Importante kase yon kundi one cause ng paghagok ng makina or parang nalulunod. You also have to check the auto-choke. Baka sumasara sya or maliit lang yung bukas kaya hindi makapasok maigi yung air. Sa sparkplugs naman, rather stick to a NGK sparkplug. Gumamit na kase ako ng Bosch Super 4 and sabi ng friend ko mahina kuryente non. Narandaman ko naman yung nagpalit ako ng NGK mas OK sunog sa gas. Tama yung nagpalit ka ng high tension wire. Dapat pa-check mo idle-up ng car mo pwede rin palitin na sya. Sa starup mo naman normal din yung pagtapak sa pedal 2 to 3 times para macheck mo kung nag-oopen yung autochoke. Yung car ko inadjust ko pag-open ng autochoke para bumukas maiigi once na naka-ON na engine. Kase paghsusi mo ng car mo dapat open talaga sya kase dito hihigop ng amount of air yung makina mo papasok sa intake. Dapat hindi ka nagpabukas ng carb kase nililinis lang talaga yon ng compressed air and ng card cleaner. Maari kase na mapalitan yung mga jet non or yung valve don sa may float ng nasa kit. That is not advisable. Tandaan nyo po lagi na kaya nagloloko yung carb dahil sa barado or madumi lang sya. Lahat ng nakalagay sa carb na mga jet, springs at valve non ay nakaset sa standard. Kung gumagana naman dati ng maayos car mo ng wala kang ginagawa sa carb then ginamit mo ng pagkatagal-tagal tapos bigla na lang nagloko ng dahil don. Nagbuild up lang yung dumi kaya cleaning lang. Replace only the gaskets of the carb with the kit if necessary...kung my gas leak or may omido ng gas sa may carb. Yung sa akin nireplace ko lahat pati jet kaya nagloko. Hinanap ng friend ko yung mga dati na jet and other parts of the carb. Binalik sa dati kaya yon ok na! air-fuel mixture tska menor lang inaadjust sa carb. Kung nasa timing naman at ok carb lang problema sa car mo. Share ko lang po ito mga bosing and I hope this helps.

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    2
    #10
    Hello mga Sirs, shinjiikari, burjegol and to all,

    Mine is also a corolla XE 96. Your experts discussions help me a lot. Nalalaman ko mga mechanical terms na ngayon ko lang nabasa. If you may, I have something to ask for suggestion/s kasi gusto ko magpa wash over. Alin kaya mas okay ba ipabody colr ko or retain ko parin ang dating black color ng bumpers, mouldings at side mirrors. Ginagamit kasi ng anak ko madalas nasasagi niya lalo na yong mga bumpers at side mirrors. Salamat po ng madami. More power to Tsikot

Page 1 of 2 12 LastLast
Problematic Toyota Corolla XE 1997 1.3